Enjoy reading!
Lumipas ang halos dalawang buwan at pinipilit ko na umiwas kay Sir Grayson. Hindi ko kayang humarap o makipag usap sa kanya nang matagal dahil natatakot ako sa bawat titig niya sa 'kin. Kung pinaglalaruan niya lang naman ako, sana ay tigilan niya na. Kasi hindi na ako natutuwa.
Ang sabi ni Michelle sa 'kin ay ilang araw lang dito si Sir Grayson sa Pilipinas kapag umuuwi. Pero halos magdadalawang buwan na ay narito pa rin siya.
"Mukhang maayos ka naman dito." Napatingin ako kay Michelle.
Pumunta siya rito sa bahay ni Sir Grayson para kumustahin ako. Pumunta rin siya kanina sa mga kapatid ko para ihatid ang pera na pambayad sa renta ng apartment namin at pati na rin ng allowance ng dalawa kong kapatid.
"O-oo, okay lang ako rito." Sagot ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang pinanggagawa ng amo ko.
Paano kapag sinabi ko kay Michelle at malaman iyon ni Sir Grayson? Tapos paaalisin niya ako rito dahil nagsumbong ako. Mabuti nga at may trabaho pa akong napasukan. Siguro sa ngayon at titiisin ko muna. Pero kung magtuloy tuloy pa 'yon ay magpapasya na akong aalis dito.
"Mabuti naman. Mukhang matatagalan pa bago bumalik si Sir Grayson sa ibang bansa ulit." Sabi niya na ikinagulat ko. Ibig sabihin matagal pa siya rito?
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Hindi sinabi ang dahilan. Pero iyon ang sabi niya sa mama niya." Sagot niya. Tiningnan ko lang siya at nanahimik na.
"Uuwi ka ba bukas sa apartment niyo?" Tanong niya.
"Oo. Sabado kasi bukas. Tapos babalik ako ng lunes." Sagot ko.
"Sige. Pupunta ako bukas sa apartment mo. Sinabi rin pala ni, Ralph, na pupunta siya. Mag movie marathon tayo bukas sa apartment niyo." Masayang sabi niya.
"Sino ang uuwi?" Napatingin kami sa pinto nang magsalita roon si Sir Grayson. Napatayo kami ni Michelle.
"Hello, Sir Grayson." Bati ni Michelle sa kanya.
"Sino ang uuwi, Michelle?" Ulit niya sa tanong niya kanina.
"Si Ronalyn, sir." Sagot ni Michelle.
"Simula ngayon ayokong umuuwi ang kasambahay ko." Napatingin ako kay Sir Grayson dahil sa sinabi niya.
"Pero, sir, iyon po ang napag usapan." Biglang sagot ko. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin.
"Dati 'yon. Iniba ko na." Seryoso niyang sagot.
"Pero, sir--"
"I told you, Ronalyn. Sa ating dalawa, ako ang masusunod." Sabi niya kaya napatingin ako kay Michelle na ngayon ay takang taka rin sa sinabi ng amo ko.
"Sir, bawal po talaga siya umuwi?" Mahinahong tanong ni Michelle sa kanya.
"Dito lang siya, Michelle. I don't want to let her go." Sabi niya at agad na umalis sa harapan namin. Napahilamos ako ng mukha dahil doon.
"Ano 'yon, Ronalyn? Bakit ganon 'yon?" Naguguluhang tanong niya sa 'kin.
"Hindi ko rin alam, Mich. Baka mainit lang talaga ang ulo niya. Pero hayaan mo na baka bukas okay na rin at payagan akong umuwi." Sagot ko.
"Sige, sana nga. O siya, kailangan ko ng umalis. Bye, ingat ka rito." Paalam niya. Hinatid ko siya sa pinto at kumaway sa kanya.
Nang tuluyan na siyang umalis ay bumuntong hininga ako at pumunta sa kusina. Pero agad din akong napahinto nang makita ko roon si Sir Grayson na seryosong nakaupo habang nakatingin sa 'kin.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 4: Grayson Pritzker
RomanceSi Grayson Pritzker ay may ari ng sikat na bar at airport sa San Miguel. Madalas siyang na sa ibang bansa. Kaya naisipan niyang maghanap ng kasambahay na maglilinis ng bahay niya sa Pilipinas. Simula nang mamatay ang mga magulang ni Ronalyn Tuazon...