Enjoy reading!
Kinabukasan, pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina at nadatnan ko roon si Manang Alma na nagpupunas ng lamesa. Huminto lang siya sa ginagawa nang makita ako.
"Magandang umaga po, manang." Pagbati ko.
"Magandang umaga rin, hija. Halika at kumain dito." Sabi ni Manang Alma at agad na kumuha ng plato at inilapag iyon sa mesa. Ngumiti ako at lumapit sa mesa. Bakit parang hindi ko nakikita si Grayson? Umalis ba siya?
Tumingin pa ako sa paligid at sumilip sa medyo nakabukas na pinto dito sa kusina.
"Hinahanap mo ba si Sir Grayson?" Biglang tanong ni manang.
"Nasaan po siya?" Tanong ko?
"Maagang umalis kanina at may pupuntahan daw. Ibinilin ka niya sa akin na kapag gumising ka raw ay pakainin kita." Sabi ni manang at ngumiti. Ano ako, bata?
Hindi na lang ako sumagot pa. Agad akong umupo at nagsandok ng kanin at kumuha ng ulam. Nagpaalam din si Manang Alma na lalabas muna at magwawalis raw siya sa labas ng bahay.
Kaonti lang ang kinain ko at ako na rin ang naghugas ng pinagkainan ko. Nang matapos ay lumabas na ako ng kusina at bumalik sa kuwarto upang maligo.
Naisip kong puntahan si Ralph at magbabaka sakaling naroon pa siya sa karinderya na pinagtatrabahuhan namin dati. Kailangan kong malaman kung nasaan si Michelle. At kung ano ng nangyari sa kaniya?
Nang matapos na akong maligo at mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Ngunit wala pa rin doon si Manang Alma kaya pumunta ako sa pinto at lumabas. Nakita ko si Manang Alma na abala sa pagdidilig ng mga halaman sa harap ng bahay ni Grayson.
Bigla kong naalala ni Manong Gilbert. Bakit hindi ko na siya nakikita rito? Bakit ibang driver na ang narito? Sa ilang taon kong nawala ay parang ang daming nagbago.
"Manang Alma, aalis po muna ako." Paalam ko sa kaniya. Huminto naman siya saglit sa pagdidilig ng mga halaman at humarap sa akin.
"Saan ang punta mo, hija?" Tanong niya.
"Sa kaibigan ko lang po." Sagot ko.
"Sige, mag-ingat ka." Turan niya. Ngumiti at tumango lang ako bago naglakad palabas ng gate.
Kahit papaano ay alam ko pa naman kung paano pumunta sa dati naming tinutuluyan na apartment. Marami lang talagang mga bagong gusali na ipinatayo kaya minsan ay nakakalito rin.
Nang makarating ako sa karinderya kung saan kami dati nagtatrabaho ni Ralph ay agad akong pumasok sa loob. Mukhang umaasenso si Aling Edna dahil mas lalo pang lumawak ang karinderya niya.
Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin si Ralph. Narito pa kaya siya?
Nang may lumapit sa akin na isang babae na mukhang dito rin nagtatrabaho ay agad ko siyang tinanong.
"Miss, nandito ba si Ralph?" Tanong ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya. Mukhang hindi niya kilala si Ralph. Baka baguhan lang siya rito tapos tinanong ko pa.
"Hindi ko po kilala 'yon, ma'am. Sandali po at tatawagin ko si Aling Edna at baka kilala niya." Turan niya at naglakad papunta sa isang pinto.
Umupo muna ako sa isang bakanteng upuan at hinintay na bumalik ang babae. Mukhang hindi na nagtatrabaho di Ralph dito. Pero kailangan ko rin tanungin si Aling Edna at baka may alam siya kung nasaan si Ralph ngayon.
"Sino ba 'yan?" Halata sa boses ni Aling Edna ang inis at mukhang na-istorbo ko pa siya.
"Ayon po siya." Turo ng babaeng nakausap ko kanina. Agad namang tumingin sa direksiyon ko si Aling Edna at tiningnan aki saglit bago siya lumapit.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 4: Grayson Pritzker
RomanceSi Grayson Pritzker ay may ari ng sikat na bar at airport sa San Miguel. Madalas siyang na sa ibang bansa. Kaya naisipan niyang maghanap ng kasambahay na maglilinis ng bahay niya sa Pilipinas. Simula nang mamatay ang mga magulang ni Ronalyn Tuazon...