Chapter 12

7.4K 125 14
                                    




Enjoy reading!

NAGISING ako dahil sa dampi ng labi sa aking bibig. Pagmulat ng mga mata ko ay mukha ni Sir Grayson ang bumungad sa akin. He's smiling while looking at me.

"Good morning, baby. Sorry kung ginising kita nang ganito kaaga." Bati niya at hinalikan ako sa noo. Nakaayos na siya at amoy na amoy ko ang pabango niya.

"G-good morning. Aalis ka na ba?" Inaantok ko pang tanong.

"Yes. Pwede mo ba akong ihatid sa airport?" Tanong niya at hinalikan na naman ako sa pisngi.

"Ha? Pero baka ma late ka pa. Hindi pa ako nakaayos." Sagot ko.

"Bumangon ka na at mag-ayos. Baka talagang ma-late pa ako kapag nagtagal pa 'tong ginagawa natin." Sabi niya at parang napilitan pang umalis sa tabi ko.

Agad akong bumangon at pinunasan pa ang gilid ng labi ko. Baka kasi may natuyong laway pa ako roon hindi niya lang sinasabi. Nang makalapit ako sa pinto ay agad kong binuksan iyon at dali daling lumabas. Parang ngayon lang kasi pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi.

At habang pababa ako ng hagdan ay napatingin ako sa aking suot. Ang naalala ko kagabi bago ako matulog ay hubo't hubad ako dahil sa ginawa namin. Siya rin ba ang nagpa-suot sa akin ng damit ko? Agad akong napahilamos habang papasok sa loob ng kwarto dahil sa naisip ko.

Tiningnan ko ang oras sa maliit na orasan na meron ako rito sa kwarto. It's 5:28 in the morning! Anong oras ba ang flight niya at bakit napaka-aga niyang gumising?

Agad kong kinuha ang tuwalya ko at ang damit na susuotin at pagkaraan ay pumunta na ako sa banyo.

Ilang minuto rin ang itinagal ko sa banyo at ang pag-aayos ng sarili ko. Pagkatapos kong suklayin ang buhok ko ay agad na akong lumabas at pumunta sa sala.

"Let's go?" Napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong ko siya.

"Ah, oo." Sagot ko.

Nauna siyang naglakad palabas ng bahay habang hila-hila ang isang maleta. Habang ako ay nakasunod sa kanya.

"Magandang umaga po, sir at Ronalyn." Nakangiting bati ni Manong Gilbert sa amin pagkalabas ng bahay.

"Magandang umaga rin po." Bati ko sa kanya. Tumango lang siya at kinuha ang dala ni Sir Grayson na maleta at nilagay iyon sa likod ng kotse.

"Let's go." Sabi ni Sir Grayson at hinila ako papunta sa kotse. Agad niyang binuksan ang back seat at pinauna akong pumasok sa loob at sumunod siya. Habang si Manong Gilbert naman ay pumasok na sa driver seat. Naka bukas na ang gate kaya agad na pinaandar ni Manong Gilbert ang kotse palabas at agad din namang huminto upang isarado iyon.

Habang nasa byahe ay walang nagsasalita sa amin. Nakatingin lang ako paminsan minsan sa labas ng bintana ng kotse.

"Anong oras ba ang flight mo?" Pagbasag ko sa katahimikan sa loob ng kotse.

"Seven." Matipid niyang sagot.

Kaya pala ang aga niya gumising. Pati ako nadamay pa.

"Ang mga bilin ko sa 'yo. Don't forget." Sabi niya.

"Oo. Paano ko makakalimutan lahat nang 'yon kung palagi mong sinasabi." Naiinis kong sagot. Halos masaulo ko na lahat ng iyon.

"Good. Tatawagan kita kapag naroon na ako sa Italy." Sabi pa niya.

"Okay." Sagot ko.

Halos isa't kalahating oras din ang binyahe namin bago makarating sa airport. Nang maka parking na ang kotse namin ay nagulat ako nang may naghihintay na mga security guards sa labas.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon