Enjoy reading!
"Salamat, Ralph." Nahihiya kong sabi nang hinatid niya ako sa isang mall. Nagpumilit siyang ihatid ako sa tinutuluyan ko raw ngunit nagsinungaling ako.
Nagdahilan ako na may bibilhin pa ako sa mall kaya dito niya ako inihatid.
"Wala 'yon. Mag-ingat ka pauwi." Sagot niya. Tumango lang ako at ngumiti. Agad na rin siyang nagpaalam at umalis na. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa makasakay siya ng jeep.
Agad na rin akong pumara ng jeep upang umuwi sa bahay ni Grayson. Siguro naman ay wala pa siya roon. Sigurado ako na late na rin siya uuwi dahil kakauwi niya lang dito sa San Miguel at marami siyang inaasikaso. Bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon?
Ilang minuto rin ang naging biyahe ko hanggang sa huminto ang jeep sa labas ng subdivision kung saan naroon ang bahay ni Grayson. Pagkababa ko ay agad akong sinalubong ng security na naroon.
"Magandang gabi po, ma'am. Saan po kayo?" Magalang niyang tanong.
"Sa bahay po ni Mr. Grayson Pritzker." Sagot ko.
"Ikaw po ba si Miss Ronalyn Tuazon?" Tanong niya na ipinagtataka ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Opo, ako po." Sagot ko.
"Ihatid na po kita, ma'am. Sinabi po kasi ni Mr. Pritzker na kapag dumating ka ay ihatid ka raw po namin. Tara na po." Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto sa front seat ng isang puting sasakyan na ginagamit yata nila sa pag-ikot dito sa loob ng subdivision.
Kahit nagtataka ay sumakay ako at agad namang pinaandar ng kasama kong security guard ang kotse patungo sa bahay ni Grayson. Hindi naman kalayuan ang bahay ni Grayson mula sa gate ng subdivision kaya mabilis rin kaming nakarating.
"Maraming salamat po." Magalang kong sabi at agad na binuksan ang pinto ng sasakyan. Nang makababa ako ng kotse ay agad ding umikot ang sasakyan pabalik sa gate.
Pagbukas ko ng gate ay agad kong nakita si Earl na tinatakpan ang kotse sa garahe.
"Magandang gabi po, ma'am." Pagbati niya nang makita ako. Ngumiti lang ako sa kaniya at nag diretso ng lakad patungo sa pintuan ng bahay.
Narito na ang kotse ni Grayson. Ibig sabihin narito na rin ba siya?
Pagbukas ko ng pinto ay walang tao sa sala kaya medyo nabawasan ang kaba na nararamdaman ko. Ano naman kung gabi na ako umuwi, hindi ba?
Naglakad ako patungo sa kusina upang kumuha ng tubig na puwedeng inumin. At nadatnan ko roon si Manang Alma na abala sa paghuhugas ng mga plato.
"Magandang gabi po, Manang." Pagbati ko at kumuha ng baso at nilagyan iyon ng tubig.
"Nako, hija, mabuti at narito ka na." Nag-aalalang sabi ni Manang kaya napatigil ako sa pagkuha ng tubig.
"Bakit po?" Nagtataka kong tanong.
"Ang mabuti pa ay kayo na lang ni Sir Grayson ang mag-usap. Naroon siya sa kuwarto niya, hija." Turan ni Manang. Agad kong ininom ang tubig at huhugasan ko na sana ang baso na ginamit ko nang kunin iyon ni Manang Alma.
"Ako na rito. Pumunta ka na roon at kanina ka pa niya hinahanap." Wika ni Manang at agad na hinugasan ang ginamit kong baso.
Kahit kinakabahan ay agad akong lumabas ng kusina at umakyat ng hagdan patungo sa kuwarto ni Grayson. Kumatok muna ako bago ko binuksan nang dahan-dahan ang pinto.
Agad ko siyang nakitang nakaupo sa malapad niyang kama habang nakatukod ang dalawa niyang braso sa kaniyang magkabilaang hita at diretso ang tingin sa akin. Ngayon ko lang din napansin ang madilim niyang kuwarto ngunit sapat lang para makita ko siya.
BINABASA MO ANG
OBSESSION SERIES 4: Grayson Pritzker
RomanceSi Grayson Pritzker ay may ari ng sikat na bar at airport sa San Miguel. Madalas siyang na sa ibang bansa. Kaya naisipan niyang maghanap ng kasambahay na maglilinis ng bahay niya sa Pilipinas. Simula nang mamatay ang mga magulang ni Ronalyn Tuazon...