Chapter 25

6.6K 98 6
                                    


Enjoy reading!

Napahawak ako sa aking tiyan pagkatapos kong maubos ang laman ng aking pinggan. Halos lahat yata ng pagkain dito sa restaurant na pinagkainan namin ay binili ni Grayson at mukhang ako lang lahat ang kumain no'n.

"May ice cream ka pa." Sabi niya sa gitna ng pagkain niya ng kaniyang ice cream.

Umiling ako. "Ayoko na. Wala na akong paglalagyan niyan."

Hindi na rin siya nagsalita pang muli at nagpatuloy na lang sa pagkain. Hindi ko alam kung makatatayo pa ba ako nito dahil sa sobrang kabusugan.

"May pupuntahan ka pa ba?" Biglang tanong niya. Hindi ko na rin alam kung saan ako pupunta ngayon at kasama siya. Basta, ayoko munang umuwi sa bahay niya at baka naroon si Mrs. Pritzker at si Xiannara at hinihintay ako.

"Pupunta na lang ako mamaya sa malapit na park. Maglalakad lakad. Puwede ka na ring bumalik sa trabaho mo. Salamat sa pagsama sa akin." Wika ko.

"I'm free today. Sasamahan kita kung saan ka man pupunta." Sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya. Paano siya naging free ngayong araw? E ang aga niya kanina umalis?

"Okay nga lang ako. Sanay akong mag-isa kaya huwag kang mag-alala. Babalik naman ako mamaya sa bahay mo–"

"Sasamahan pa rin kita." Pagputol niya sa sinasabi ko.

"Sir Grayson---"

"We're going to my mom's house." Saad niya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Bakit ba pinipilit niya akong sumama roon? Paano kung mapahiya ako roon? Ayokong magkita kami ulit ng mama niya.

"Ikaw na lang ang pumunta roon. Ayokong sumama sa 'yo." Sagot ko at umiwas ng tingin. Kahit kailan ay  hinding hindi ako matatanggap ng mama niya.

"She wants to see you, Ronalyn." Kunot-noo ko siyang tiningnan. Ako? Gustong makita ni Mrs. Pritzker?

Gusto kong matawa sa sinabi niyang iyon. Baka nga matuwa pa iyon kapag hindi niya ako makitang kasama ng anak niya.

"Joke ba 'yan? Sa susunod huwag ka ng magpatawa kasi hindi nakakatawa." Masungit kong sabi.

"I'm serious, Ronalyn. Please, samahan mo akong puntahan siya." Pagmamakaawa niya. Ilang sandali rin akong hindi naka imik sa sinabi niya. Tinitingnan ko ang mukha niya kung seryoso ba siya sa sinabi niyang iyon.

"P-paano kung awayin lang ako roon? Alam mo namang galit sa akin ang mama mo." Sagot ko. Ngumiti siya sa 'kin at hinawakan ang kamay kong nasa lamesa.

"Don't worry, hindi ka niya aawayin." Turan niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya. Ngunit kalaunan ay sumama na rin ako.

Kahit papaano ay kaya ko rin naman protektahan ang sarili ko.

Nang matapos kaming kumain ay si Grayson na rin ang nagbayad ng mga binili niyang pagkain.

Pagkaraan ay lumabas na rin kami ng restaurant at sumakay sa kotse niya patungo sa bahay ni Mrs. Pritzker.

Hindi lang naman malayo ang bahay ni Mrs. Pritzker sa bahay ni Grayson. Ngunit dahil sa traffic ay medyo natagalan kami bago nakarating sa isang malaking bahay. Medyo malaki ito kumpara sa bahay ni Grayson.

Ibig sabihin narito si Mrs. Pritzker at hindi sila pumunta ni Xiannara sa bahay ni Grayson?

Nang bumukas ang malaking gate ay agad na umandar muli ang kotse na sinasakyan namin papasok sa loob. Malawak ang bakuran sa harap ng malaking bahay at umikot pa ang kotse ni Grayson bago huminto sa harap mismo nang malaking pinto ng bahay.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon