Chapter 20

7K 119 16
                                    



Enjoy reading!

Marami ang gustong makapag-aral ngunit walang sapat na pera upang magpatuloy sa pag-aaral. Merong iba na kailangan pang tumigil at mag trabaho upang mag-ipon sa kanilang pag-aaral para sa gustong pangarap.

Hindi rin madali ang mag-aral nang apat na taon sa kolehiyo. Kailangan mong magtiis at magsumikap. Ngunit alam ko na sa dulo nitong nararanasan nating hirap ay isang tagumpay na madadala natin hanggang tayo ay tumanda.

"Congratulations, Ronalyn! We are so proud of you." Masayang bati ni Ma'am Carolina at niyakap ako.

"Congrats, ate!" Bati rin ni Geraldine.

"Congrats din, ate." Sabi ni Charles at yumakap din sa akin.

Sa apat na taon ko sa kolehiyo ay hindi naging madali. Ngunit sulit lahat ng puyat at pagtitiis ngayong graduate na ako sa matagal ko ng pinapangarap-ang maging isang flight attendant.

"Thank you po, Ma'am Carolina." Masayang sabi ko.

"You're always welcome, Ronalyn. Masaya ako dahil hindi nasayang ang pagpapaaral ko sa 'yo. Pagbutihin mo pa." Masaya niyang sabi.

"Am I late?" Napatingin kami kay Sir Melchor nang magsalita siya at meron siyang dalang bulaklak.

"It's okay kahit late ka. Ang mahalaga dumating ka pa rin." Sabi ni Ma'am Carolina at lumapit sa asawa niya.

"Thanks, hon. By the way, congratulations, Ronalyn." Pagbati ni Sir Melchor at binigay sa akin ang dala niyang bulaklak.

"And of course to my beautiful wife." Dugtong niya at binigyan din si Ma'am Carolina ng bulaklak na ikinangiti niya.

"Thank you po, Sir Melchor." Sabi ko.

"You're welcome, Ronalyn." Sagot niya.

"Ahm... excuse me po." Napatingin kami sa nagsalita mula sa likuran namin.

"Emmanuel..." Gulat kong sabi.

"Hi. G-gusto sana kitang imbitahan sa bahay kasi may munting salo-salo na hinanda si mama para sa graduation ko." Pag-iimbita niya. Tumingin naman ako sa mag-asawang Tilano at nakatingin lang din sila sa akin na para bang hinihintay ang magiging sagot ko.

Matagal ko ng kaibigan si Emmanuel simula pa noong unang araw ko bilang college student. Siya ang kauna unahang naging kaibigan ko hanggang sa nakapagtapos kami ng pag-aaral. Minsan na rin siyang umamin sa akin na gusto niya ako at balak niyang manligaw ngunit hindi ko siya pinayagan. Ayokong saktan siya.

"Ma'am, sir, puwede po bang pumunta sa bahay si Ronalyn?" Pagpapaalam niya kay Ma'am Carolina at Sir Melchor.

"Walang problema sa amin. Sige na, Ronalyn pumunta ka na." Pagpayag ni Ma'am Carolina.

"Thank you po." Sagot ko at ngumiti.

"Thank you po, ma'am, sir." Wika ni Emmanuel.

"You're welcome. Sige na, mauna na kami. Hijo, pakihatid na lang si Ronalyn. Enjoy." Paalam ni Ma'am Carolina at hinawakan sa magkabilang braso si Charles at Geraldine at naunang naglakad habang nakasunod si Sir Melchor.

"Ang saya ng pamilya niyo, ano?" Sabi ni Emmanuel habang hinahatid ng tingin sina Ma'am Carolina.

"Hindi man sila ang tunay naming pamilya pero napaka suwerte namin dahil sa kanila kami napunta." Sagot ko.

"Tara na." Wika ko at ngumiti. Sabay kaming pumunta sa iba naming kaklase na kami na lang pala ang hinihintay. May mga kotse ang iba at isa na roon si Emmanuel.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon