Chapter 5

9.1K 161 15
                                    


Enjoy reading!

Nang makalayo na kami sa kaibigan niya ay pilit kong lumayo sa kanya. Ngunit mas lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa baywang ko.

"Sir, pakitanggal po yung braso mo sa baywang ko." Mahinang sabi ko na sapat lang para marinig niya. Ngunit hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya sa paglalakad at ganon din ako. Na para bang wala siyang narinig.

Huminto kami sa nagbebenta ng mga damit. Sabay kaming pumasok sa loob. Ang gaganda ng mga binebenta nilang damit. Halatang pang mayaman talaga. At sigurado ako na mahal din ang mga presyo nito.

"Maghanap ka na ng mga damit na ibibigay mo sa mga kapatid mo." Utos niya.

"Good morning, ma'am and sir." Bati nang isang babae na lumapit sa amin.

"Please, assist her." Utos ng amo ko sa babae. Napatingin naman sa 'kin ang babae at ngumiti.

"Huwag na lang po rito. Sobrang mahal po ng mga damit." Sabi ko at akmang lalabas na ako ng humarang siya sa dinaraanan ko.

"Please, get the clothes you like. I'll take care of the price." Mahina niyang sabi. Tumingin siya sa babae na mag aassist sa 'kin at tumango.

"Ma'am, dito po tayo." Sabi ng babae at tinuro ang daan papunta sa mga damit. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa babae.

Una naming pinuntahan ay ang damit pang babae. Agad kong hinanap ang presyo ng damit na nagustuhan ko para kay Geraldine. At agad kong binalik sa kinalalagyan ang damit na kinuha ko. Bakit ganito kamahal ang presyo ng mga damit dito? Saan ba gawa ang mga ito?

"Ayaw niyo po niyan, ma'am?" Tanong ng babae. Gusto. Gustong gusto.

"Wala ba kayong murang damit dito? Iyong mga na sa two hundred lang ang presyo?" Nahihiya kong tanong. Napangiti naman ang babae sa 'kin.

"Wala po, ma'am. Ang pinaka mura lang po dito na damit mga na sa one thousand five hundred po." Sagot niya. What? E sa amin, 'yon na yung pinaka mahal na damit e.

Wala akong choice kundi ang kunin ang damit na ibinalik ko. At sunod kong pinuntahan ay sa damit pang lalaki naman. Naghanap ako ng damit na babagay kay Charles. Siguro naman tama na ang tig isang damit sa kanila. Baka kasi ibawas pa 'to ni Sir Grayson sa sahod ko. Mahirap na. Nang makahanap ako ng damit ni Charles ay agad nang kinuha ng babae sa 'kin ang dalawang damit.

"Ito lang po ba, ma'am?" Tanong niya. Tumango lang ako sa ngumiti sa kanya. Agad na lumapit sa amin si Sir Grayson habang nakakunot ang noo.

"Dalawa lang? Really, Ronalyn?" Seryoso niyang tanong. Bakit? Alangan naman damihan ko.

"Opo, sir. Ang mamahal po kasi ng mga damit." Sagot ko.

"Miss, meron pa bang ibang mga ganyang size?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Yes, sir. Meron pa po." Sagot ng babae.

"Pwede bang kumuha ka pa ng mga ganyang size? Gawin mong tig-apat na damit." Utos niya.

"Sir, okay na po 'yan. Huwag na po." Agad kong sabi. Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Ako ang masusunod dito, Ronalyn." Sagot niya. Naghintay kami ng ilang minuto. At pagbalik ng babae ay meron na siyang dalang mga damit. Jusme, mga magkano na kaya lahat nang 'yan? Baka isang buwang sahod ko na 'yan lahat.

"Sir, twenty thousand po lahat." Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa narinig kong presyo ng lahat ng pinamili ko. Pero yung amo ko parang wala lang sa kanya. Syempre, barya lang para sa kanya 'yong twenty thousand. Agad niyang binigay ang isang card. Ilang saglit lang bayad na agad ang mga damit. Ang sosyal naman ng pasalubong ko sa dalawa kong kapatid.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon