Chapter 21

7.3K 128 26
                                    


Enjoy reading!

Nang makalapag na ang private plane na sinasakyan namin ay 'tsaka lang kami ni Liezel lumabas mula sa puwesto namin. Naroon pa rin si Grayson at nakaupo. Hindi ba siya bababa?

"Mr. Pritzker, may kailangan pa po ba kayo?" Magalang na tanong ni Liezel sa kaniya. Agad naman siyang tumingin sa akin na ikinaiwas ko ng tingin.

"I extended my vacation here." Sagot niya.

"Okay po, Mr. Pritzker. No problem po." Sagot ni Liezel habang ako ay tahimik lang sa tabi niya. Tumango lang din si Grayson at agad ng tumayo at sobrang lapit niya sa kinatatayuan ko kaya napaatras ako.

Hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya. Kaya nang maglakad siya patungo sa pinto ay 'tsaka lang ako nakahinga nang maluwag.

Agad kung nilinis ang lamesa niya at dinala ang baso na kanina ay binigay ko sa kaniya.

"Ronalyn, umamin ka nga. Magkakilala ba kayo ni Mr. Pritzker?" Tanong ni Liezel habang inaayos ko ang mga gamit.

"H-hindi. N-ngayon ko nga lang nakita iyon." Pagsisinungaling ko.

"E bakit ganoon siya makatingin sa 'yo? Hindi ko alam pero parang may something sa bawat titig niya sa 'yo." Sabi niya.

"Huwag mo na pansinin 'yon. Baka ganoon lang talaga siya tumingin." Sagot ko.

Pagkatapos namin ayusin ang mga gamit sa loob ng private plane ay agad na rin kaming lumabas ng eroplano at kinuha ang mga gamit namin.

"Saan ka pala tutuloy? May kilala ka ba rito sa San Miguel? Ang sabi pa naman ni Mr. Pritzker ay nag extend siya ng bakasyon dito." Tanong niya. Wala na rin naman akong matutuluyan dito. Matagal na rin na hindi kami nag-uusap ni Michelle. Kumusta na kaya siya?

"Hahanap na lang ako ng hotel na matutuluyan." Sagot ko.

"Sigurado ka? Baka maligaw ka rito sa San Miguel." Nag-aalala niyang sabi. Paano ako maliligaw rito kung taga rito ako?

"Huwag mo na akong alalahanin, Liezel. Alam ko ang pasikot sikot dito sa San Miguel." Sagot ko at ngumiti sa kaniya.

"Sige. Tawagan mo na lang ako kung wala kang mahanap na matutuluyan. Hahanapan kita ng apartment." Wika niya. Tumango lang ako. Agad na rin siya umalis at sumakay ng taxi.

Muli ako napatingin sa labas ng airport. Mas lalo pang gumanda ang airport niya. Ang laki ng ipinagbago.

At hindi ko alam kung saan ba ako tutuloy ngayong araw. Siguro ay hahanap na lang ako ng hotel na medyo malapit dito sa airport para hindi na ako mahirapan pa kung sakaling babalik na kaming Manila.

Maglalakad na sana ako upang pumara ng taxi nang may biglang huminto na isang itim na kotse at nagulat ako nang may pumulupot na braso sa baywang ko mula sa likuran at nagulat ako nang makita ko ang mukha ni Grayson.

Lumabas ang driver ng sasakyan at agad na kinuha sa akin ang dala kong maleta at ganoon din ang kay Grayson.

"Let's go." Sabi niya at gamit ang braso niyang nasa baywang ko ay tinutulak niya ako papunta sa nakabukas na pinto sa back seat.

"Mr. Pritzker, hindi po ako sasama sa inyo." Mabilis kong sabi at pilit na tinatanggal ang braso niyang nasa baywang ko.

"Huwag mong hintayin na buhatin pa kita para lang maipasok ka sa loob ng kotse." Pabulong niyang sabi. Maraming mga tao sa paligid namin at baka wala na akong mukha pang mipapakita kapag binuhat niya ako sa maraming tao. Kinurot ko ang braso niya ngunit parang hindi siya nakaramdam ng sakit. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumasok na lang sa loob ng sasakyan at ganoon din ang ginawa niya.

OBSESSION SERIES 4: Grayson PritzkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon