Chapter 10

213 5 0
                                    


*Zhaivo's POV*

Matagal na siyang hindi pumapasok. Aaminin ko galit ako sa kanya. Pero kahit ganun pinagbawalan ko ang gang na ipag-sabi kung sino talaga siya. Kung sino ba talaga si Bloody Demon. Dahil kagaya ng pangako niya hindi niya pinagkalat na kami ang Dark Kings. Tumatanaw lang ako ng utang na loob.

Masakit para sa akin dahil pinagkatiwalaan ko siya. Gusto ko na nga siya eh. Kaso bigla kong nalaman yun. Ang bagay na nagpabago ng lahat. Ang tunay na pagkatao niya.

Alam ko marami na akong nasabing hindi magagandang salita sa kanya. Marami akong nabitawang mararahas na salita. Alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko. Kahit na malakas siya. Kahit na demonyo siya sa paningin ng iba. Alam kong nasasaktan siya. Alam kong may kinatatakutan din siya.

"Zhaivo!"

"Aysinungalingsiya!" Tama ba namang manggulat? Grabe ah! "Putcha! kailangan manggulat? Kailangan sumigaw?! Kailangan niyo?!" Bwiset kagulat eh.

"Oo kailangan kang gulatin para malaman mo na kanina ka pa namin tinatawag! Ano?! Si Laylle nanaman nasa isip mo?! Bakit kasi naggagalit-galitan ka pa diyan? Alam naman nating lahat na gusto mo si Laylle! Pati sila Kyle at Kurt nadadamay sa galit mo kay Laylle eh." Bwisit at kailan pa natuto si Shenzi na sigawan ako.?!

"Tangna Shenzi wag mo akong sinisigaw sigawan ah! Umayos ka! Marami lang akong iniisip! At talagang galit ako. Hindi galit-galitan! Ano?! Hindi manlang ba kayo magagalit sa pagsisinungaling nila?!"

"Magagalit? Bakit? Dahil marami siyang napatay na tao? Lahat ng pinapatay ni Laylle o sabihin na nating ni Bloody Demon mga masasamang tao mga kriminal. Sila ang masama! Dapat lang na mamatay sila. Dapat nga nagpapasalamat pa tayo kay Laylle eh! Dahil sa kanya nababawasan ang mga brutal na kriminal! Iniisa-isa niya yung mga taong kung saan-saan lang tinatapon ang bangkay ng taong pinagsasamantalahan nila at pinapatay! Umayos ka nga! Gumising ka! Think about the things she've done to save other innocent people's lives!" Dun ako natauhan sa sinabi ni Xyler. Tama siya lahat ng pinapatay niya mga kriminal na walang-awang pumapatay. Tama siya pumapatay si Caeuel pero hindi dahil gusto niya lang. Mali ang sinabi ko kay Caeuel na inosente ang pinapatay niya. Mali talaga.

"Oh? Ano ngayon? Natahimik ka? Dahil diyan sa pagiinarte mo hindi ko makausap si Risha. Ni hindi ko siya malapitan. Tapos malalaman ko wala siya dito sa bansa? Peste. Razer aalis na ako. Nakakabanas lang dito." Sabi ni Kurt at padabog na lumabas.

"Kahit ako hindi ko na makausap si Raine. Tapos umalis na sila. Sana naman naisip mo na may buhay rin kami. Hindi yung lagi mo nalang kaming pinapasunod sa bawat sinasabi mo." Mahinahon na sabi ni Kyle at umalis narin.

"Razer alis na ako. Kausapin mo yan. Kasi kahit ganito ako marunong din ako magseryoso." Sabi ni Shenzi at umalis narin.

"Ivo, kahit sila sumusuko na sayo. Umayos ka. Ayusin mo yan. Birthday na ni Laylle bukas. Make it a way para magkaayos kayo. Akyat na ako." At ayun umakyat narin siya. Birthday nga paa ni Laylle ay July 10. July 9 na ngayon eh. Haaaaaaay. Naku naman. Oo na ako na mali! Peste!

*COLD's POV*

I'll make things clear. Clearer than a crystal.

Iba yung pumatay sa pamilya ko at ba rin yung sumusugod samin ngayon. Yung pumatay sa pamilya ko yun ang Archers Mafia. Yung sumusugod naman sakin ngayon yun ay ang gang na pinatay ko ang leader. So to make it clear ang Sinabi sakin ni Kayla na nagsisimula ng kumilos yun yung Death Gang at yung pumatay naman sa pamilya ko yun ay ang Archers Mafia. At isa pa......

My real name is Caeze Orhine Leigh Dhine Daishama. I changed my name not because I want to, but because I have to. I have to change everything. Everything that I was. Everything thats about me. I have to. I must.

The Demon Inside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon