Chapter 37: Break It

133 4 4
                                    

Chapter 37: Break It

Manghang nakatingin ako kay Sky habang kinakausap nito ng masinsinan ang kambal. Para siyang sising-sisi at kung makapagsorry akala mo naman pumatay ng tao. I can't blame him though. Ang nasaisip niya kasi ay pinagtulakan niya ako paalis habang ipinagbubuntis ko ang mga anak niya, which is true. But its partly my fault. I lied. And that was my consequence.

After the drama upstairs hindi na niya nilubayan ang mga bata. Blue was kinda rude. Hindi niya pinapansin si Sky, kahit ano pang gawin nito basta ay nakatabi lang ito kay Ara as if protecting her sister while Ara's making up with his brother's rudeness. She did nothing but to make Sky smile.

"You know, I was really surprised sa nadatnan ko kanina. And girl, hindi ka pa nagkwekwento ng happenings here." Napairap nalang ako nang marinig ang pambaklang boses ni Rance.

"So I owe you that?" Umiling ito. "Then?" Umirap siya at binatukan ako. "Aba't! Naman talaga namimihasa ka na ah!" Mahinang sigaw ko sa kanya. Binelatan lang ako ng gaga. Hinayaan ko na siya sa tabi ko at binaling mula ang tingin sa mag-aama

"Nagpapakwento ako kasi naloloka ako. Akala ko its not yet the time? At saka, ano meron kay Blue na gusto mong sabihin sakin?" Lumingon ako sa kanya ng seryoso ang mukha.

"Ay girl knows ko yang look na yan. Di ko gusto yan." Umiling nalang ako.

"Maya na kapag pwede na si Blue."

"Gaga, sa tingin mo lulubayan pa sila ni Sky? Eh si Tandang Erman nga'y dito na siya pinapatulog." Kumunot nanaman ang noo ko.

"Oo nga pala. Tss." Pina-ikot niya naman ang braso niya sa braso ko.

"Nakapag-usap na kayo?" Umiling ako.

"May balak ka?" I shrugged my shoulders. Gusto ko pero natatakot ako. I mean I tried na itago sila. As much as possible ayoko silang pagtagpuin and I feel really really guilty.

"Lapit tayo." Hindi na ako naka-angal dahil hinatak niya na ako papunta s may gilid nila Sky. Lumipat sakin ang tingin ni Blue pero sineyasan ko siya na manahimik. Binalik niya nalang ang tingin niya sa sahig.

"Ara, what's your favorite color?" Parang pinipiga ang puso ko nang marinig ko ang tanong ni Sky. Masakit marinig na yan palang ang tinatanong niya sa anak namin na ngayon palang siya nagsisimula. Kahit yung mga detalye na alam na sana niya ay ngayon niya palang sinusubukang alamin.

Pero nagpapasalamat ako na hindi niya binibigla. Na nagdadahan-dahan siya. Na nagsisimula siya sa simula.

"I don't have one dad." Hindi maitago ang saya sa mata ni Sky nang marinig niya ang tawag sa kaya ni Ara.

He held Ara's hands. "And why is that?" Ara shrugged. Bumaling ito kay Blue at tinitigan ito sa mata.

"Dunno. But I love kuya Bubu's eyes. Actually its like the same as yours but a little different." I smiled at that. Parehas kami ni Ara. Iba ang pakiramdam na titigan ang mata ni Blue at ang mata ni Sky. That's the difference. The feelings and the emotions. But other than that? Parehas na parehas ng itsura nila.

"So you like blue?"

"You can say that." Simpleng sagot nito.

"What about you Blue?" Nagkibit-balikat lang si Blue at hindi na siya pinansin. Napabuntong hininga si Sky. "Blue, why do you hate me?"

Kumuyom ang kamao ni Blue his anger was overflowing that we all felt it. Ara tensed as she held Blue's hand. Humigpit din ang hawak ni Rance sa braso ko.

"Son, I want to make things up with you and your twin. Why aren't you letting me?" Bakas ang hinanakit sa boses ni Sky.

Pinakalma ni Blue ang sarili bago siya humarap. "Ask yourself that." Anito at tumayo na. Aalis na sana siya pero hindi ko kayang walang gawin.

The Demon Inside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon