Chapter 39: Unbearably
Lumipas ang mga araw. Madalian. Sobrang bilis na halos malimutan ko ang bawat segundong buhay ako. Ganito nalang ba? Simula noong araw na nawala siya, pakiramdam ko nawala narin ang buhay ko. Masakit. Sobrang sakit.
"Aica. Kumain ka naman na. Nag-aalala na sila nanay." Tawag ng kapatid ko. Pero hindi ko siya pinansin. Nagkunwari akong walang naririnig. Nagkunwari akong walang pakielam kahit na ang gusto ko nang gawin ay isa-isang kunin ang buhay nila.
Sila...
Sila na naturingang pamilya ko ang may kasalanan kung bakit nawala siya. Kasalanan nila kung bakit---
"Naknamputcha naman oh. Ang drama naman! Umiiwas nga ako sa ganyan eh!" Naiiritang reklamo ko bago hinagis sa kabilang sofa ang librong hawak ko. Drama is the last thing that I need right now. "Nawala siya? Sila may kasalanan? Gusto mo patayin? Why hold yourself back when you can do it?!"
"Huy!" Sigaw ni Rance. "Tarantada ka. Kung naiirita ka itigil mo na pagbabasa. Hoy gaga, may trenta na yang pinagtatatapon mong libro sa sofa. Hindi na makaupo yung mga tao, puro libro. Hindi mo naman tinatapos."
"Ate girl, kung mamimili ka ng libro isa-isa o dalawa lang. Pag natapos mo yung dalawa tsaka ka ulit bumili. Eh nasa simula ka palang nagrereklamo ka na eh!" Segunda naman ni Saph.
"Nakakairita kasi." Sagot ko.
"Malamang maiirita ka. Ganyan ka kapag meron ka eh! Lahat nakakairita. Pati pagmumukha ng bestfriend ko na napakagwapo, pangit para sayo." Hanggang ngayon hindi parin ata nakakapag move-on si Saph sa pang-aalipusta ko sa pagmumukha ng 'bestfriend' daw niya.
"Bespren mo pagmumukha mo. Bitch, don't me." Pang-iinis ko pa. Wala naman itong ibang ginawa kundi ang irapan na lamang ako.
"At ikaw bakla ka nawiwili ka na sa kakamura mo sakin. Balang araw masasapak nalang kitang hampas lupa ka." Ang saya nila awayin ngayon. Ewan ko pero nasisiyahan ako.
"Leche ka magtigil ka sa pang-aalipusta mo sa mga tao sa paligid ah! Nawiwili ka naring bruhilda ka." pabalang na sagot ni Rance.
"'Cuse me! Ang ganda ko para maging bruha." I even flipped my hair just to emphasize that I am indeed beautiful.
"Ako. Ako. Ako ang maganda." Paulit-ulit pa nitong itinuro ang sarili.
"Gago! Tigilan mo ko sa kapunyetahan mo ah! Kung maganda ka, ano ako? Dyosa? Diwata?" Nanlaki naman ang mga mata nito at napa-awang ang labi.
"Sumusobra ka na--" napatigil siya nang may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran at hinalikan siya sa gilid ng kaniyang noo. Walang forever mga punyeta.
"Babe, chill alright? Pagbigyan mo na si Cold." Pag-papakalma ni Enzo kay Rance. Tangina sarap nilang buhusan ng ampalaya juice. Kung meron man.
"Saphy!" At ayan na nga dumating na si Brylle. Parehas na silang may kalove-team at ako nanaman ang wala. Life why?! Just why?!
"Brylle, hoy ang pangit ng boses mo kung makasigaw ka!" Si kamalditahan nalang talaga forever ko.
"Tigil-tigilan mo na nga si Brylle. Kawawang tao wala namang ginagawa sayo eh." Isa pa tong pakielamerong si Clyde na kung makasulpot bigla-bigla parang kabute.
"Bakit ba kasi kayo sunod-sunod dumating?" Naiiritang tanong ko.
"We kinda had a race. So yeah." Race? Enzo got here first so...
"Enzo won?"
"No! Zhie did. Si Enzo ang nag facilitate kaya siya ang nauna. Hindi naman kasi siya umalis." Ako nama't tumango-tango na lang
BINABASA MO ANG
The Demon Inside Me
Fiksi UmumIf being emotionless again will make me strong, then so be it. Cause if feeling something hurts like this, I'd rather be numb. Its so hard to let go of the demons inside you when they are the ones holding you when no one else would. Warning: This is...