Chapter 12: Charles Ezach and Chaze Selrach
"Hi mom, hi dad, hi kuya. Miss na miss ko na kayo. Sorry kung hindi ko kaya napagtanggol noon. Sorry kung ang nagawa ko lang ay ang magtago at umiyak. Sorry kung napabayaan ko kayo. Sorry po, sorry po talaga." Sabi ng isang dalaga habang umiiyak na nakaupo sa tapat ng puntod ng pamilya niya. "Sana naging mas matapang ako. Sana nagawa kong tumakbo at humingi ng tulong. Sana buhay pa kayo. Mom, Dad, Kuya, 18 na ako. Diba pangako ko sa inyo na ipaghihiganti ko kayo. Gagawin ko po yun. Mahal na mahal na mahal ko po kayo." Sabi niya habang patuloy lang sa pag-agos ang kanyang mga luha. Bakas sa boses niya ang lungkot, panghihinayang at galit.Lungkot saapagkamatay ng magulang niya, panghihinayang dahil sana kung mas naging malakas siya buhay pa sila, at galit sa mga taong gumawa nito sa pamilya niya.
Nakasulat sa sa tatlong lapida ang pangalan ng tatlong taong pinakamamahal niya. Ang ina niya si Caera Olivia Daishama, ang ama niya si Uelo Lance Daishama ata ng kuya niya si Charles Ezach Daishama. At ang dalagang umiiyak ay walang iba kundi si Caeze Orhine Leigh Dhine Daishama.
*****
Nandito ako ngayon sa sementeryo. Binibisita ang totoong pamilya ko. Itago ko man pero alam ko sa sarili ko na miss na miss ko na sila. Na nasasaktan parin ako. Hindi ko na napigilang umiyak. Dahil hanggang ngayon iyak parin ang magagawa ko para sa kanila. Wala silang kasalanan kahit kanino pero pinatay sila.Ngayon ipapatikim ko sa kanila ang ginawa nila sa pamilya ko. Ipaparamdam ko sa kanila ang naramdaman ko. Mauubos din kayo Archers Mafia. At ako. Ako mismo ang uubos sa inyo. Pagsisisihan niya na pamilya ko pa ang sinira niyo.
Unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha pero wala akong pake. Ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa kagagawan nila. Binasa ko muli ang pangalan ng tatlong taong nakalibing dito. Si mom Caera Olivia Daishama, si dad Uelo Lance Daishama. Ugh. Ang sakit na ng ulo ko umiikot na ang paningin ko pero pinilit kong basahin pa ang pangalan ni kuya. Charles Chaze teka, ugh masakit na talaga, pero Charles Ezach, kapag binaligtad mo ang Ezach, Chaze ang kakalabasan. Si kuya Chaze. Chaze Selrach, kapag binaligtad mo naman ang Selrach, Charles ang kakalabasan. Tapos magkamukha pa sila. Anong ibig sabihin nito? Anong?
Biglang bumuhos ang ulan. Kasabay nun ay ang paglabo lalo ng paningin ko at ang huling naalala ko ay ang pagkahimatay ko sa harapan ng kabaong ng pamilya ko.******
* I wish that I could wake up with amnesia~
And forget about this stu-*
natigilan ako nang marinig ang ringtone ng cellphone ko. Nang hindi tinitignan kung sino ang tumawag, agad na sinagot ko na ito.
[Hello? Ehem. Mr. Kleo.] Hindi ko kilala boses niya pero parang narinig ko na. Tinignan ko ang caller ID pero number lang ang nakalagay.
"Yes? Who is this?"
[Mr. Kleo, this is Shakkia Yamachi mother of Laylle. Can I ask for a favor? Please?"] Ano naman yun?"Ah, sure. What is it ma'am?"
[Pwede mo bang puntahan si Laylle sa ospital? May tumawag kasi sakin gamit ang phone niya na nahimatay daw siya sa sementeryo kaya dinala siya sa ospital. Hindi ako makakapunta doon ngayon dahil 5 minutes from now flight ko na papuntang Australia for business purposes. Please Kleo please.] What the?
"Sure no problem. What hospital?" Asht. Natataranta tuloy ako.
[At D Hospital. Thank you so much Kleo. Please pakibantayan siya. I- I gotta go. Tinatawag na ang flight ko. Bye.] At agad naman ng binaba ni tita Shak. Naisip ko lang anong klaseng ina ang gagawa nun? Business before family. At naalala ko, hindi nga pala siya ang tunay na ina ni Cold.
BINABASA MO ANG
The Demon Inside Me
General FictionIf being emotionless again will make me strong, then so be it. Cause if feeling something hurts like this, I'd rather be numb. Its so hard to let go of the demons inside you when they are the ones holding you when no one else would. Warning: This is...