Chapter 33: I'll Be
*Cold*
Days went by, ganun parin naman. Lalabas kami. Maggagala. Sa laki ng New York nagsawa narin ang mga anak ko sa mga napupuntahan namin.
Tumawag si kuya Charles kanina. Okay na kami. Nung una nagalit sila ni kuya Chaze but in the end wala narin naman silang magagawa. Nangyari na eh. Ayaw pa nga nila akong payagan pumunta dito. Kaso napilit ko na si lolo, naintindihan naman niya yung rason ko kaya hinayaan niya na ako. Once a month naman ang pagbisita nila sakin.
Dito ko narin tinapos yung pag-aaral ko. Nag-iba nga lang ako ng coarse. Fine arts na kinuha ko. Noon kasi wasak pa ko. Naghanap ako ng pwedeng mapagdivertan ng atensyon ko at yun ang nahanap ko. Painting.
Yung mga gangmates ko, may sari-sariling buhay narin. Masaya naman. Si Rhouzhie lagi parin pumupunta dito kasama si Errol, Zichi at Daille. Yung kambal naman na si Risha at Raine nakapangasawa na pero bumibisita parin naman. Guess kung sino ang napangasawa nila? Haha! Syempre yung kambal na si Kurt at Kyle. Akalain niyo yun diba?
Masaya na lahat. Si Sapphire at Brylle naman best friends. Ewan ko kung hanggang dun lang. Yun ang sabi nila eh. Si Clyde at ang gangmates niya Rank 1 parin sa Pilipinas. Bumibisita rin sila dito palagi. Ako? Syempre. Strong parin. Si Rance natuklasan kong bading. Yun pala yung napapansin ko sa kanya noon. Girly. Everything seems fine. No. Everything's fine.
Nakakamiss din lumaban. Nakakamiss pumatay. Well, oo namimiss ko nga pumatay. Hahaha! Hindi na maalis sa amin yun. Old habits die hard. We grew up in a world where we need to kill to live and we live to kill. Mahirap alisin sa sistema namin ang lust sa pagpatay. Nakagawian na eh. Masaya pumatay pag alam mong mas marami kang maililigtas na buhay sa pamamagitan ng pagpatay sa isang tao.
Sa bawat pag punta naman nila Rhouzhie dito may dala silang update tungkol sa gangdom. Hindi narin daw muling nagpakita si Shadow. Hindi narin naman nanggugulo si Queen. Subukan lang niya. Uuwi talaga ako ng Pilipinas.
Kanina naman nagpaalam na ng tuluyan si Reid. Isasama niya daw ang buong gang niya. Simula kasi nang malaman niya ang nangyari sakin sumunod siya dito. At dahil nandito siya sumunod din ang gang niya. Ewan. Siguro kahit magkapamilya na talaga kaming lahat, ang gang ko, ang gang ni Clyde at ni Reid, siguro magsasama-sama parin talaga kami. Kahit saglit lang kasi yung pinagsamahan namin, alam kong matibay ang naging pundasyon 'non. Hooh! Lalim! Hahaha!
I was pulled from my thoughts nang maramdaman kong humigpit ng sobra ang kapit ni Blue sa braso ko. Pinatulog ko na kasi sila. Nakasanayan narin na katabi ko sila.
"Noo! Not my mom! I hate you! I hate you! Get away from my mom! Mommy!" Kinabahan agad ako. Binabangungot ata si Blue. Gigisingin ko na sana siya nang mapatigil ako sa susunod ko narinig.
"Why did you hurt my mom? My dad will kill you!" Dad? Never namin napag-usapan ang tungkol sa ama nila. Hindi rin naman sila nagtatanong. Kill? Nasa dugo na pala talaga nila ang ganyan. Even in their dreams. Hindi nila matatakasan. And that's our fault. Ang nanay at tatay niya ay gangster. It runs in the blood.
"Daddy.. Daaad! No! Don't leave us! Dad... Daddy.." Ayaw niya tumigil sa kaka-daddy kaya naisipan kong gisingin na talaga siya. Pati sa panaginip niya, iniwan parin kami ng tatay niya...
"Hey, baby." Inalog ko siya na naging dahilan ng pagkagising niya. Minulat niya ang mata niya at nagsimula mg umiyak. "Shhh. Don't cry. Hey, its just a nightmare. Alright?" Umiling-iling siya.
"Mommy... Is my dad dead? Is he? He died in my dream. Mom he's not dead right? I'll meet him soon cuz his not dead. Right mom?" Nakatitig lang ako sa kanya. Unable to answer. Inalog-alog niya ang braso ko. "Mommy answer me..."
BINABASA MO ANG
The Demon Inside Me
Ficción GeneralIf being emotionless again will make me strong, then so be it. Cause if feeling something hurts like this, I'd rather be numb. Its so hard to let go of the demons inside you when they are the ones holding you when no one else would. Warning: This is...