Chapter 29: Stranger

102 4 0
                                    

Chapter 29: Stranger

--Sapphire--

"I can't go. Sorry. I'll make it up next time." Ilang beses ko ng nabasa yang text na yan. 'I'll make it up next time.' Ilang beses niya ng tinext yan. Tapos magyayaya ulit siya at kinabukasan mababasa ko nanaman yan.

"You don't have to." Bulong ko sa sarili ko. Going out with me, dating me, isn't his obligation. Pinapamukha ko lang naman sa sarili ko kung ano yung totoo. I'm not his priority. Minsan pala talaga mas okay na ipamukha mo sa sarili mo yung totoo at masaktan ka kesa patuloy kang maniwala sa kasinungalingang ikaw lang mismo ang gumagawa.

I already accepted the fact that Justin and I can't be together. Yes, I do like him. I depended on him since the day he promised me he'll take care of me. But in the end, I still need to stand on my own cause when the time comes, I know, he'll save his self, not me. Masakit, oo. Pero yun eh. Yun yung katotohanang matagal kong pinipilit baguhin pero nagiging kasinungalingan lang kaya tinanggap ko nalang.

Hindi naman niya kasalan. Well, may kasalanan siya pero all in all ako yung may kasalanan. Naging mabuting tao lang siya sa akin at ako ang nagbigay ng kulay sa bawat aksyon na ginagawa niya. Wala naman kasing ibig sabihin yun. Ako lang ang nag-assume. Ayan kasi Sapphire! Napaka assumera mo!

"Watch where you're going, woman!" Nabuhay muli ang katawang lupa ko nang naramdaman kong may natapon na malamig na bagay sa akin. Wait! Ako na nga ang nabuhusan niya, siya pa ang galit!

"Hey Mister--" nanliit ang mata ko nang marealize ko kung sino ang lalaking nakabunggo sakin na may tapon rin ng iced coffee sa damit niya. "Ohh. Mr. Arrogant playboy. Ikaw na nga nakabangga ikaw pa galit." siya yung nakaaway ko na lalaki na mayabang at playboy na hanggang ngayon hindi ko parin kilala. Napasabunot siya sa buhok niya bago ako tinitigan ng masama.

"Umiwas na nga ako, kaso mukhang lutang ka talaga kaya nagkabanggaan parin tayo. Psh. Kakabili ko lang nun eh." Binulong niya yung last part pero rinig ko parin naman. Nakakahiya naman sa kanya. Parang pinagipunan niya ang pambili nun ng isang taon.

"Gosh! At dun ka pa talaga nanghinayang ah?! How about my blouse that you ruined?" Umirap siya at tatalikod na sana pero hinatak ko ang braso niya at sinampal siya. Medyo napalakas ata kaya napunta ang atensyon ng ibang tao samin. Ghad!

"Pwede mo namang labahan yan!" Sigaw niya.

"Pwede ka namang bumili ng bago!" Ugh! How can I shop like this?

"Napakaarteng babae. Tss." What?!

"Napakareklamador na lalake. Psh." Yung feeling na magwawalk out na ako tapos bigla niya akong hinatak. Don't tell me sasampalin niya rin ako?

"Stop complaining and come with me." Irita niyang sabi bago ako hinatak. I hate being dragged. Ugh.

"And why would I come with a reklamador na lalake like you?!" Tumigil siya at hinarap ako.

"Quit shouting! You're getting on my nerves! I'll buy you a new blouse and you'll buy me a new iced coffee. In that way we're fair." Inirapan ko siya at winagayway ang kamay ko.

"Duh! You could've just told me so you don't have to drag me." Tinitigan niya ako mula ulo hanggang.... tumigil sa dib dib ko. Ugh!

"Too small." Pinaningkitan ko siya ng mata bago hinampas ang bag ko sa kanya.

"Pervert asshole!" Bago ko siya sinampal at nagwalk out na ng tuluyan. How dare he?!

"Haha. Psh. Let's go." Inirapan ko nalang siya at sa pag-irap ko na yun, may nahagip ang mata ko na dahilan para mapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Mukha namang nahalata niya yun kaya hinarap niya ako.

Hahatakin niya na sana ulit ako nang mapansin niya na titig na titig ako sa dalawang taong sobrang sweet sa isa't-isa. "What's with them?" Kusang nagunahan sa pagtulo ang mga luha ko na para bang nagkakarerahan sa bilis bago ako tumawa ng mapait at pinunasan ang bawat pagpatak nito.

"Oh? Them? Ahahaha! Well that man is my fiancee and that woman is my bestfriend. Yeah haha. What the fuck is with them huh?" Sabay punas ng mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak. Lumambot naman ang expression ng mukha niya pero hindi ko na yun binigyang pansin.

"If that fucking man is your fucking fiancee then go and fucking get him!" Umiling-iling ako sa kanya at ibinaba ang kamay niya na nakaturo sa kanila.

"He doesn't feel the same." Nagtataka naman siyang tumitig sa mga mata ko at dahil sa pagka-ilang ibinaba ko ang tingin ko. Maliit naman ako at matangkad naman siya. Kaya madali lang gawin yun. "Look, just. Just get me out of here." Narinig ko ang buntong hininga niya bago hinawakan ang braso ko at hinatak.

"Kung sana hindi ka tumigil kanina, sana hindi mo na kita, edi sana hindi ka nawawasak ngayon." Bulong niya habang hinahatak ako. Nagpapadala lang ako sa kanya at sa totoo lang hindi ko alam kung matagal na ba niya akong hinahatak o saglit lang dahil lumulutang talaga ang utak ko.

Why would Trinity do that to me? Ang boyish kong sissy? Yung astig at basagulero kong bestfriend? Magiging ganun? Hindi siya ang trinity na nakita ko kanina. At alam kong siya yun. Ang nakita ko kanina ay isang babaeng babae na naka super ikling shorts at naka fit shirt lang. Na may red lipstick pa. Hindi ko sana marerecognize kundi lang dahil alam ko ang pakiramdam kapag nandyan ang mga kaibigan ko. Like I know their sense cause I've been with them every single day. Hindi lang ako makapaniwala.

I know na hindi niya alam na Fiancee ko si Justin. Pero ang appearance niya ang pinagtataka ko. Why is she dressed like that? Why would she change herself? Fucking why?

"Saph! Hey! Saph!!" Napatingin ako ng gulat kay wait! Sino nga ba to? Ugh! Basta tumingin ako sa kanya. "You're spacing out! Com'on! Ihahatid nalang kita kung saan ka man nakatira."

"Wait, wait, wait. Hindi mo ba itatanong?" Ngumiti siya bago muling umiling.

"Its not my issue to know. And that,.." sabay turo sa pinanggalingan namin kung saan ko sila nakita bago umiling. "Saph, that was not my battle to fight. I'll stay where I am. But if you want someone to talk to. I can lend my ears. Well anyway, why would you rant your problems with me when you don't even know a thing about me?" Natatawang sabi niya. Napailing nalang din ako na patawa. He has his ways I may say. Who would've thoughy na ang isang playboy at aroganteng lalaki ang makakapagpagaan ng loob ko?

"I do know you're a notorious playboy. Misteeeer?" He chuckled before he answered.

"Brylle. Brylle Kxian Montford, stupid girl." Imbis na mainsulto ay natawa nalang din ako sa kanya. Maybe he's a good guy after all. Even though he's an arrogant playboy. "Yeah yeah! I know what you're thinking. I'm an asshole? Yeah. Hell I am. Haha." I just answered with a laugh too.

"Tiana Sapphire Loise." Pagpapakilala ko sabay abot ng kamay ko sa kanya na tinanggap niya naman.

"Aryt. Com'on, lets get you home." Sabi niya habang tumatawa. Para kaming baliw na tawa ng tawa. Ewan. Siguro ganun talaga kapag broken hearted. Kahit simpleng bagay tinatawanan para lang makalimutan ang sakit.

Tumango ako at sinundan nalang siya kahit saan. Basta malayo sa sakit. Kahit saan basta masaya. I know I can't talk about this to Patricia. Mas nauna silang magkaibigan ni Trinity bago ako dumating sa buhay nila. Hindi ko masisigurado ang loyalty niya. Better trust a stranger who knows nothing about me but my name.

Or so I thought...

The Demon Inside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon