KAORU'S POV
Habang nagd-drive ako sa kalsada ay may makita akong lalaking pinagtutulungan. Hininto ko ang kotse ko malapit sa kanila. Nang makita ko yung binugbog ng mga lalaki aalis na sana ako pero naguilty ako.
Baka mamaya kasi konsensya ko pa kapag may nangyaring masama sa sungit na yun. Mabilis akong nakalapit sa mga lalaki at sinipa ko yung isa. Tumalsik yung lalaki sa pagsipa ko. Tsk! Ang hina pa nga lang nun eh. Nang mapansin iyon ng mga kasamahan niya ay sinugod din nila ako. Mabilis akong nakailag sa susuntok dapat sakin at sinuntok ko siya sa tyan. Napa higa siya sa sakit.
Nakakatamad ang mga to. Walang thrill. Sa isip isip ko. Mabilis ko silang hinampas sa batok ng mapansin kong nawalan ng malay si shiro. Nang mawalan ng malay ang mga lalaki ay lumapit ako kay shiro na nakihaga at puno ng sugat at pasa.
"Tsk.Tsk. kung gusto mo makipagaway siguraduhin mong hindi ka lasing." Sabi ko sa kanya. Nakita ko siyang dumilat ng bahagya.
"N-nerd." Narinig kong sabi niya at nawalan ng malay. Binuhat ko siya at isinampay ang kamay niya sa balikat ko.
"Taena naman Shiro! Ang bigat mo!" Sabi ko habang dinala siya sa kotse ko. Binuksan ko yung pintuan at itinulak siya papasok sa loob. Bait ko no? Hahaha. Hindi naman siya nagresponse. Lasing talaga ang isang to. Napailing iling na lang ako at inayos siyang umupo. Sinarado ko na yung pintuan at pumunta sa driver seat. Pagkapasok ko duon ay nakalimutan ko palang lagyan siya ng seatbelt.
Bahagya kong inilapit yung katawan ko sa kanya at inabot yung seatbelt. Saktong ikakabit ko na yung seatbelt niya ng bigla akong napalingon sa kanya. nakatitig siya sa akin. Halos konti nalang maglalapit na ang mukha namin.
*lub*dub*lub*dub*lub*dub*
Naramdaman ko nalang ang labi niya sa labi ko. Omo!
>/////////<
Hindi ako makagalaw. Nararamdaman ko ang lambot ng labi niya. Ano bang sinasabi ko.
O_________O
Bigla ko siyang natulak. Mabilis akong umalis sa harap niya at bumalik sa pagkakaupo ko napatingin nalang ako sa bintana. Shit! Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung labi niya. Waaaaah! Ano bang nangyayari sakin T___T
Nang lingunin ko siya ay tulog na ulit ito. Hay salamat naman! Inistart ko yung kotse ko at mabilis na pinatakbo. San ko kaya dadalhin ang isang to. Hindi ko naman alam yung bahay niya. Sa condo ko nalang siguro.
"N-nerd.... I-im S-sorry..." nagulat akong napatingin kay shiro. Nakapikit lang ito pero narinig kong sinabi niya yun.
Teka naghahalucinate na ba to. Tsk,Tsk lasing lang talaga. Ilang minutong nakalipas ay nakarating agad kami sa condo ko. Mabilis kong pinark yung kotse ko at inakay si shiro papasok ng condo ko. Hiniga ko siya kama ko.Tinanggal ko yung sapatos niya at yung t-shirt niya tapos kumuha ng maligamgam na tubig at yung first aid kit ko. Nilapitan ko siya at punusan ang katawan niya. Actually di ako nakatingin habang pinupunasan siya. Namumula kasi ako. Kitang kita ko yung kompleto niyang pandesal sa tiyan. Napakagat labi pa ako.
Shit! Ang landi ko takte!
Ang hot naman ng sungit na ito. Napailing na lang ako. Ginamot ko yung mga sugat niya at pagkatapos ko siyang gamutin ay Kinumutan ko nalang siya dahil wala akong damit na maipapasuot sa kanya. Dinala ko na yung planggana na may maligamgam na tubig at lumabas sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Meet The Lost Assassin(COMPLETED)
ActionOnce upon a time, there was a Heartless-Assassin who kill for hired. She killed enormous of people. She was known once as a COLD, MERCILLES, HEARTLESS, And a FEARLESS KILLER... But, one day she Dissapeared and Nowhere to be found, She lost h...