PART 35: LOVE COUPLES

13.4K 314 11
                                    

THIRD PERSON'S POV


(Kyoske and Myra's Date)


Mabilis na hinigit ni Kyoske si Myra at sinakay sa sasakyan nito.


"Hoy! San tayo pupunta?" Takang tanong ni Myra habang nakatingin kay Kyoske. Ngumiti lang ito sa kanya. Nanahimik nalang siMmyra sa buong byahe hanggang sa huminto sila sa isang sikat na restaurant. Bumaba sila ng kotse at hawak kamay na pumasok sa restaurant.


"Hoy! Bakit tayo dito kakain. Madami namang iba diyan eh" sabi ni Myra kay Kyoske. Nilingon lang siya nito at nginitian siya.


"Speacial ka kasi sakin eh." Nakangiting sabi ni Kyoske. Namula naman si Myra kaya napaiwas ito ng tingin sa kanya. Tumawa lang siya at umupo na sa isang eleganteng table. Pinagtulak pa ng upuan ni Kyoske si myra kaya bigla ulit itong namula.


"Hahaha. You're really beautiful when blushing." Nakangiting sabi ni Kyoske. Napaiwas lang ng tingin si Myra. Umorder na sila ng pagkain at kasalukuyang hinihintay yung inorder nila ng biglang may kumalabit kay Kyoske ng lingunin niya iyon ay nakita niya si Takeshi at Jasmine na magkasama.


"Yo! Nandito rin pala kayo" nakangiting sabi ni Takeshi kay Kyoske. Sumimangot naman si Kyoske at tiningnan ng masama si Take.


"Tss." Sabi ni kyoske. Sakto namang dumating yung pagkain na inorder nila.


"Yo! Pwede pa share kami ni myloves?" Sabi ni Takeshi kila kyoske. Tumango lang si Myra kaya wala ng magawa si Kyoske kaya pumayag nalang ito.


Bwisit na Takeng to! Panira ng date. Tss. Sa isip isip ni Kyoske.


(Takeshi and Jasmine's Date)


Dinala ni Takeshi si Jasmine sa sikat na restaurant na madalas nilang pagkainan. Nagkukulitan pa nga sila habang papasok ng makita niya sila Kyoske at Myra na magkasama. Nakaisip siya ng magandang plano. Nagulat nalang siya ng bigla siyang batukan ni Jasmine.


"Tss. Anu namang binabalak mong kalokohan." Naka taas noong tanong niya sa kasintahan. Tumawa lang ito.


"Basta. Hahaha." Sabi nito at nilapitan sila Kyoske at myra na naguusap. Kinalabit ni Takeshi si Kyoske kaya napalingon ito sa kanya.


"Yo! Nandito rin pala kayo" nakangiting sabi ni Takeshi habang nakatingin sa nakasimangot na kaibigan. Sinamaan siya nito ng tingin.


"Tss." Narinig niyang sabi nito. Napapatawa nalang siya sa reaction ng kaibigan. Napansin niyang dumating na yung pagkain nila.


"Yo! Pwede pa share kami ni myloves" natatawang sabi ni Takeshi kay Kyoske pero pinipigilan niya lang na matuwa. Napansin niyang siniko siya ni Jasmine. Tumango lang si Myra sa kanila at umupo na sila sa table nila Kyoske. Halata sa mukha ni Kyoske ang pagkairita ng biglang tumunog yung phone niya. Ng tingnan niya kung sinu yung tumatawag ay ang kapatid lang pala niya. Sinagot noya yung tawag.

Meet The Lost Assassin(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon