KAORU'S POV
"Sh*t!" Mura ko ng habang nakapikit. Naramdaman ko ang pagtama ng baseball bat sa ulo ko. Wala na bang katapusan to? Minulat ko yung mata ko. Nakita kong nakangisi siya.
"N-nababaliw k-ka n-na." Pilit na sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya sabay hagis nung baseball bat na hawak niya at sinabunutan yung buhok ko.
"Talaga? Siguro nga tama ka. Nababaliw na ako... Nababaliw na ako para sa hustisya ng mga magulang ko!" Galit na sabi niya habang mas diniinan yung pagsabunot sa buhok ko. Napatawa ako bigla. Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata nya.
"Hustisya? Nagpapatawa kaba?! Kahit na patayin mo pa ako imposibleng makamit mo ang hustisya na sinasabi mo tanga!" Sigaw ko sa kanya. Sinampal niya ako ng malakas at sinamaan lang aki ng tingin. Naramdaman kong may nagdugo ang ang labi ko sa sampal niya. Dinura ko yung dugo sa mukha niya.
"PINAPAASA KA LANG NG WALANG KWENTANG ORGANISASYON MO!" Sigaw ko sa kanya.
"ANONG KARAPATAN MONG SABIHIN YAN! IKAW ANG PUMATAY SA MGA MAGULANG KO!" Ganting sigaw rin niya. Umiiling nalang ako.
"Wala kang alam! Hindi mo nakita ang buong pangyayari kaya wag kang magbintang!" Asar na sabi ko sa kanya. Nakita kong nagpipigil siyang wag magalit. Takte parehas lang kami. Kung walang nakagapos sakin dito baka kanina ko pa natapos ang baliw na to eh.
"Nakita ko! Nakita ko kung paano mo pinatay ang mga ma--" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil sumabog na yung galit ko.
"Talaga nakita mo?! So nakita mo rin yung nakalaban ko?!" Sarcastic na sabi ko sa kanya. Napansin kong natigilan siya.
"Ikaw lang naman ang nakita ko kaya wag kang mangdamay ng iba!" Sigaw niya. Napatawa nalang ako. Napansin kong napaatras sya bigla. Yumuko ako ng bahagya. Nakakatawang isipin na ang isang gaya niya ay mabilis na mapaniwala sa kasinungalingan. Ayoko siyang patulan pero pinipilit niya ako. Huminto ako sa pagtawa at nanatili parin akong nakayuko.
"Gusto mo ba talaga akong patayin?" Cold na tanong ko. Hindi siya umimik. Napailing nalang ako. Naramdaman ko ang unti-unting pagbabago ng sistema ko. Sa tingin ko ito na ang tamang oras para subukan ko ang demonyo na kinintrol ko mismo. Wala na akong mapapala sa baliw na to. Kung magpapatuloy na magpapatorture ako sa kanya hanggang mamatay ako dahil sa lintik na kasinungalingang pinaniniwalaan niya hindi ako makakapayag. Naramdaman kong tinutukan niya ako ng baril.
"Papatayin nalang kita para wala na akong problema." Galit na sabi niya. Hindi nalang ako umimik. Akmang ipuputok na niya yung baril ng biglang pabalang na bumukas yung pinto.
"Dont kill her!"
_________
IVAN'S POV
BINABASA MO ANG
Meet The Lost Assassin(COMPLETED)
AzioneOnce upon a time, there was a Heartless-Assassin who kill for hired. She killed enormous of people. She was known once as a COLD, MERCILLES, HEARTLESS, And a FEARLESS KILLER... But, one day she Dissapeared and Nowhere to be found, She lost h...