PART 39: WAR

10.7K 308 3
                                    

IVAN'S POV


Nandito kami ngayon sa mansion nila demonya. Sinama ko sila angeline dahil sa utos ni demonya. Hindi ko halos aakalin na ganon niya lang ako patawarin. Kasalanan ko kung bakit siya ang napagbintangan na pumatay sa mga magulang ni Kyle. Habang naglalakad kami papasok sa loob nakita ko sila kyoske. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Napayuko na lang ako. Naramdaman kong nilapitan ako ni Kyoske at ng mga magulang nila. Ang akala ko ay sasapakin nila ako kaya nagulat nalang ako ng bigla nilang tinapik yung balikat ko. Napatingin ako bigla sa kanila.


"Wag mong sisihin sarili mo. Pinili niya ang mag sakripisyo dahil ayaw niyang may masaktan sa atin." Nakangiting sabi ng ama ni demonya. Kahit nakangiti siya halatang malungkot siya.


"Patawarin niyo ho ako. K-kung hindi ko lang sana ginawa edi sana h-hindi siya..." Sabi ko. Hindi ko matuloy yung sasabihin ko dahil hindi ko kaya.


"You don't have to say sorry but can you help us fight the Black Hunter Organization?" Narinig kong sabi ng ama ni demonya. Tumango na lang ako bilang tugon. Lumingon siya kila Kyoske.


"Ngayon na natin gagawin ang plano.  Hindi natin alam kung hanggang kailan matatapos ito pero hanggat maaari kailangang matapos na natin ito. " seryosong sabi niya.


"Sumunod na lang kayo sa amin.  Mga hija sumama na rin kayo. Delikado na ang mga buhay niyo kaya mas maigi kung sasama kayo samin. " sabi niya at lumingon kila Kim. Tumango lang ang mga ito.  Nagumpisa na silang maglakad. Napansin kong huminto si Toshiro at lumingon sakin.


"Kamusta ang lagay niya?" Malamig niyang tanong. Medyo kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya kaya napailing nalang ako. Nakita kong naikuyom nya ang kamao niya. Napalunok ako bigla.


"W-walang m-mangyayaring m-masama kay Kao-chan h-hindi ba?" Nagulat ako sa biglang pagbabago ng boses nya. Napayuko nalang ako. Nakaramdam aki ng awa sa kanya. Hindi ko sigurado kung wala ba talagang mangyayaring masama kay demonya. Alam kong matindi ang galit ni kyle sa kanya kaya hindi ko sigurado.


"Sabihin mo walang mangyayari sa kanyang masama diba?" Galit na tanong niya habang nilalapitan ako at hinawakan ako sa magkabilang balikat.


"Yeah don't worry about her. Ililigtas natin siya." Sabi ko sa kanya habang pilit na ngumiti.  Bumitaw siya sa pagkakahawak ng balikat ko at napayuko. 


"Toshiro handa ka bang pumatay para sa kanya." Biglang sabi ko sa kanya. Bigla siyang nag-angat ng ulo at gulat na napatingin sakin.  Nakita kong bigla siyang sumeryoso ng tingin.


"Kung kinakailangan... Gagawin ko para sa kanya kahit na...  kahit na buhay ko pa ang kapalit." Seryosong sabi niya.  Napangiti nalang ako sa sagot niya.  Tinapik ko yung balikat niya.


"Tara na.  Wag kang mag-alala matatapos rin to." Sabi ko sa kanya.  Nag nod lang sya at naglakad na kami paalis.


--------


(1 week later)

Meet The Lost Assassin(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon