PART 27: INVITATION LETTER

17.9K 488 17
                                    

KAORU'S POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi kasi ako makatulog ng maayos. Parang may bumabagabag sa damdamin ko. Yung feeling na anumang oras ay may mangyayaring masama sakin. Bumangon na ako para maligo.

35 MINUTES LATER.....


Pagkatapos ko maligo ay nagbihis agad ako at dumiretso sa salamin ko. Habang sinusuklay ang buhok ko ay napansin kong may papel na nakadikit sa salimin. Binababa ko muna yung suklay na hawak ko at kinuha yung papel. Binuksan ko iyon. May nakalagay na note. Binasa ko yung note.

Hime kung mababasa mo to. I just wanted to tell you na mawawala muna kami ng 7 assassinos. Don't worry ipapaiwan ko dyan si Takeshi para may kasama ka. May mission kasi na binigay sila otousan samin. Be careful hime, danger is out there. I love you hime.
                             Onii-chan....

Pagkatapos ko yung mabasa ay napakunot ang noo ko. Anu naman kayang mission yun? Umalis na lang ako kwarto ko. Habang pababa ako ng hagdan ay naamoy ko ang mabangong niluluto sa may kusina. Hmmmmm! Bango ah. Sinu kaya yun? Mabilis kong tinungo yung kusina at nakita si Take na naka apron. Pffft. Seriously?


"Pffft... What the hell is that... HAHAHAHAHA!" Hindi ko mapigilang tumawa. Nakita ko siyang lumingon sakin at sumimangot.

"What?" Nakasimangot na tanong niya. Nilapitan ko siya at tinuro yung apron na suot niya.

"HAHAHAHA...Pfffft.. Y-you look like a nanny! HAHAHAHA!" Sabi ko habang hindi ko mapigilan ang tawa ko. Hindi kasi bagay sa kanya. Nagmumukha lang siyang tanga. Hahahaha.


"Pssh. Meanie!" Sabi niya sabay pout. Nilapitan ko siya at tiningnan yung niluluto niya.


"Umagang-umaga steak?" Tanong ko.


"Yan lang yung alam kong lutuin eh. Kung ayaw mo magkape ka nalang." Sabi niya. Sinimangutan ko siya.


"Wala naman akong sinabi ah! Nagtatanong lang ako eh." Ako sabay irap sa kanya. Narinig ko lang siyang tumawa. Umupo nako sa upuan at ipinatong ko yung ulo ko sa lamesa. Nakita ko siyang lumapit at nilapag yung steak ko sa lamesa. Inangat ko yung ulo ko at inamoy yung niluto niya.

*Q*


"Hey di mo sinasabi sakin na may something pala kayo ng kapatid ko." Narinig kong sabi niya. Nagulat na napalingon ako sa kanya. Nakita ko siyang nakangiti ng nakakaasar.


"LuL. Wala kaya." Sabi ko habang nakaiwas ng tingin sa kanya. Feeling ko anytime mamumula na naman ako. Shet naman eh!


"Hahaha really? Bat ka namumula?" Natatawa niya sabi. Binato ko siya ng tinidor. Mabilis naman niya iyong nasalo. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Hey i think kailangan mong umiwas sa kanya." Seryosong sabi ni take. Sumeryoso din ako. Nilingon ko siya at bumuntong hininga.

"I know that but.... I think i cant. Nagkaroon na siya ng puwang sa puso ko. Aaminin ko ng gusto ko na rin siya kaya sa tingin ko mahihirapan ako." Seryoso kong sabi. Nakita ko siya nagkibit balikat.


"That's bad bunso. Paano kung nalaman niya ang sekreto mo?" Tanong niya. Napailing nalang ako.

Meet The Lost Assassin(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon