PART 11: WEIRD FEELINGS

18.9K 599 2
                                    

ZOEY'S POV


Ginamit kong pagkakataon ang hindi nila pag lapit sa akin. Mabilis akong tumakbo palapit sa isa sa mga lalaki. Nagulat pa nga siya nung nasa harapan na niya ako. Mabilis ko siyang hinampas sa may batok na naging dahilan para mawalan siya ng malay. Bigla akong natigilan sa ginawa ko.


Nangyayari na naman ang aksidente na nangyari dati.

Its the same weird feelings bago ako makapatay. Pinilig ko ang ulo ko. Wala na akong magagawa. Ito na lang ang tanging paraan para mabuhay ako sa mga panget na to. Kahit na... kahit na ayoko ng pakiramdaman na to.
Napansin kong susugod na yung iba sa sakin. Mukhang nakabawi na yata sila sa pagkabigla. Okay! Kaya ko to.


Bago pa sila sumugod mabilis na agad akong nakapunta sa likuran nila at sabay sabay na sinipa dahilan para matumba sila. Naramdaman kong may bakal na tatama mula sa likuran ko kaya bago pa man niya ito maihampas sakin ay nahawakan ko ang bakal at sinipa siya sa tagiliran na naging dahilan para mapaupo siya sa sobrang sakit. Inihampas ko sa kanya ang bakal kaya nawalan siya ng malay. Hanggat maaari ayokong pumatay. Kailangam kong pigilan ang sarili ko.



"Shit!" - sabi ko ng may humampas sa ulo ko. Ng hawakan ko ang ulo ko ay may nakita akong dugo.


O_____o



Shit! Dugo. Hindi pwede to. Tiningnan ko yung humampas sakin ng kahoy ng walang mababakas na emosyon. Natakot pa nga siya eh.

Ginagalit niyo talaga ako!

Ngumiti muna ako sa kanya bago inihampas sa ulo niya yung bakal na hawak ko kanina. Nakita ko ang dugo na naglalandas sa ulo niya. Nang bigla akong tumingin sa natitira pang lalaki. Nagulat pa nga sila. Nakita ko ang takot sa mga mata nila. Mabagal akong lumapit sa kanila hawak hawak ang bakal na may bahid ng dugo dahil sa pagkahampas ko sa ulo nung isang lalaki. Habang papalapit ako sa kanila walang mababakas na emosyon ang ipinakita ko.


"Bakit kayo umaatras?*smirk*" hahahaha. Nakakatawa ang mga itsura nila.



"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH! T-Tangna. HAHAHAHAHA!" napahaw na ako sa tiyan ko kakatawa. Nagtataka silang nakatingin sakin. Hindi ko naman kayang pigilan ang sarili ko asar.



"Pffft..K-kung a-ako sa inyo ititigil ko nato bago pa mawala ako sa sarili ko" pagpipigil ko ng tawa habang sinasabi iyon. Pinunasan ko pa nga yung luha ko katatawa eh.



"A-ano s-sa t-tingin m-mo a-ang s-sinasabi m-mo a-ah!" Sigaw nung leader nila. Tss. Pinagbigyan ko na nga sila eh. Napayuko na lang ako ng wala sa oras. Ito na naman. Makakapatay na naman ako.


"A-ano n-na! Takot ka naba. Ang lakas ng loob mo! Isa ka naman palang sinungaling!" Sabi niya.


Isa ka naman palang sinungaling!


Isa ka naman palang sinungaling!



Isa ka naman palang sinungaling!


Paulit-ulit kong naririnig ang mga katagang iyon. Mabilis ko siyang sinugod at sinakal. Halos nabuhat ko na siya sa kinatatayuan niya.


"A-aack! I-ibaba m-m-mo a-ako!" Hirap niyang sabi. Hindi! Tama na!
Bigla kong nabitawan yung lalaki at napahawak sa ulo ko.



"AAAAAAAH! SHIT ANG SAKIT!" Napaupo na ako habang sapo sapo ang ulo ko. Sumasakit na naman ang ulo ko.



"AAAARGH!" napapasigaw na ako. Lintik na ulo to.


"NEERD!" rinig kong sigaw ni King bago pa ako lamunin ng kadiliaman.

--------

END OF PART 11

Meet The Lost Assassin(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon