PART 31: DEMON KAORU

14.4K 408 5
                                    

KYOSKE'S POV

Kahit anong gawin naming pagsira ng lintik na pintuan na to hindi masira sira. Nagulat nalang kami ng makitang tumatakbong pumunta samin yung kasama ni Hime. Mabilis kaming nagpunta sa room namin pero nakasarado yun.


"AAAAAHHH! SHIT!" Narinig kong sigaw ni Hime sa loob. Kinabahan ako bigla. Ilang minuto na ng nakakalipas ng wala kaming naririnig sa loob ng room.


"Tumabi kayong lahat." Seryosong sabi ni Sayuri. Sinunod namin siya. Lumapit si Sayuri sa may pintuan at naglagay ng explosive bomb na sariling gawa niya. Ilang saglit lang ay sumabog iyon at nasira yung pintuan. Mabilid kaming nakapasok sa loob pero wala na duon si Hime. Nakita lang namin yung mga bakas ng dugo sa sahig. Bigla akong napaisip.


No that cant be happened again!


Sa isip isip ko. Napatingin ako bigla kila Aki. Nakita kong ganon rin yung reaksyon nila. Kinabahan ako bigla.


"Shit! Hindi pwede maulit ang bagay na yun!" Nagaalalang sabi ni Aki. Naptango-tango kami. Napansin kong nagtataka sila Toshiro sa mga pinaguusapan namin.


"What are you talking about?" Nagtatakang tanong ni Toshiro. Nagkatinginan kaming lahat.


"Sabihin na natin Hiro." Narinig kong sabi ni Kyoko. Yung pinsan namin ni Hime. Napatango na lang ako.


"There was an incident happened long years ago when we were still a kid. Hime used to be controlled by her demon inside her. Walang kahit na sino ang nakakapigil sa kanya. Lahat ng makita niyang tao ay pinapatay niya. Halos lahat kami nasaksihan iyon. Mabuti nga nakaligtas kami noon. Salamat nalang sa trainor namin. Kinakakatakutan naming maulit iyon dahil sobra talagang nakakatakot. Para na talaga siyang demonyo." Malungkot na kwento ko sa kila Toshiro.


"Nasaan na yung trainor niyo?" Taka niyang tanong. Napayuko ako.


"Patay na siya. Napatay siya ni Hime habang pinapapatigil siya" malungot na sabi ko. Nakita ko siyang nabigla.


"Nang dahil duon nagbago si Hime. Naging mas cold ang naging pakikitungo niya sa amin pero nagulat nalang kami isang araw naging masayahin siya. Ayon din yung mga panahon na bigla siyang nawala." Sabi ko sa kanya.


"Paano kayo nakakasiguro na bumalik siya sa dati?" Tanong pa niya.


"Iniwan niya yung singsing na bigay ni master bago siya mamatay. Ayon lang yung bagay na nagpapanatili sa kanya sa katinuan. Pero nakakapagtaka paano siya nakabalik." Sabi ko. Napansin kong napaisip rin sila Aki.


Kailangang mapigilan si Hime. Sana hindi na maulit yung dati.

Sa isip isip ko. Napabuntong hininga nalang ako. Sana nga.



--------------


Meet The Lost Assassin(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon