Chapter 11.
Just calling your name to go up on a stage is a proof that you have achieved the success you hoped for.. it seems hard to believe but as i watch the smiles of my fellow students who are here now my heart is overflowing with joy..
Mom.. dad, graduate na po ako! Sana nandito kayo pero alam ko naman na masaya kayo para sa akin kahit nasaan man kayo ngayon.. this is for you mom..dad..
"GRACE ANNE!! sa wakas graduate na tayo!" Matinis ang boses na salubong sa akin ni Andi pagkababa ko ng stage..
Nagpasalamat muna ako sa isa kong professor na siyang tumatatayong guardian ko ngayon..
"Sa wakas malaya na tayo sa mga buwesit na plates, thesis, exam at kung ano-ano pa!" Patuloy na paglilitanya ni andi. pinagtitinginan na nga kami dahil sa kaingayan niya.. napailing nalang ako.
"Baka nakakalimutan mong may bar exam pa tayong susuungin?" Pambasag ko sa pagsasaya niya..
Napanguso siya at matalim akong tiningnan. "Kahit kailan talaga grace anne ang panget mo ka bonding!" Lukot ang mukha niyang reklamo kaya napatawa na ako.
"Pinapaalala ko lang sa iyo, baka lang nakalimutan mo" Nakangisi kong sabi.. inirapan niya naman ako at marahas na kinaladkad..
"Pa picture na nga lang tayo!" Iritado niyang sabi. Natawa nalang ako at nagpatianod nalang sa paghila niya.
Kaniya-kaniyang kuha ng picture ang pinagkakaabalahan ng lahat at bilib na rin talaga ako kay andi na laging sumasama sa pagpapapicture kahit yung hindi naman niya talaga kakilala. kaya hindi na ako magtataka kung magkalat ang pagmumukha niya sa kung saan..
"Grace Anne hija?"
Awtomatiko akong napalingon nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon..
"Tita!" Nagagalak kong bati sa magandang ginang..
"Sorry we're late," Paghingi niya nang paumanhin nang tuluyang na siyang makalapit sa akin.. kaagad kaming nag beso-beso. saglit pa akong napatingin sa kasama niyang bodyguard..
"Congratulations hija" Dagdag niya pa matapos niyang ipulupot ang kaniyang braso sa akin at nang hindi siya makuntento ay halos yakapin na niya ako..
Napangiti nalang ako sa paglalambing niya.. "Thank you po tita"
"Anong tita? I told you to call me mommy right? Magtatampo na ako sa'yo Grace Anne!" Reklamo niya kaya natawa ako..
"Sorry po mommy" Paghingi ko ng paumanhin.
Marami ang nangyare at nag bago sa paglipas ng panahon.. simula noong araw na pag sugod ni imara ay hindi ko na siya muling nakita pa pero kapalit naman noon ay ang pagkakilala ko sa pamilya ni nixon hindi man lahat pero kahit papaano ay marami-rami na rin at isa na nga doon ay ang kaniyang ina na nandito sa aking harapan ngayon..
I can still remember the reaction of his mother when he took me to their house.. his mother almost fainted seeing me with him... kinabahan pa nga ako noon sa pag aakalang hindi ako nito nagustuhan pero kabaliktaran naman pala.. nagulat lang daw ito dahil iyon daw ang kaunaunahan na nag dala si Nixon ng babae sa kanila.. pinagkamalan pa nga daw na bakla si Nixon ng kaniyang ina! and i laughed out loud when i heard that, i couldn't imagine Nixon being gay!
Nixon's mom was very kind. idagdag pa ang pagiging malambing niya kaya mabilis kong nakasundo, maliban pa sa nakikita ko rin sa kaniya ang mommy ko.. Nag tampo din ito sa amin nang malamang niyang nagpakasal kami ng hindi nila alam pero nangako naman si Nixon na magpapakasal daw kami sa simbahan kaya naging okay na rin ang mommy niya pagkatapos niyang sabihin iyon.
BINABASA MO ANG
TO LOVE YOU IS LIKE A POISON
RandomSLAVE SERIES #3: Grace Anne is a simple college student, Siya din ay tinaguriang No Boyfriend Since Birth pero nagbago ang lahat ng iyon when she met a rude and cold man who also became her husband. They had a happy marriage until one night everythi...