TLYILAP 28

878 23 2
                                    

Chapter 28.


Pagkagaling ko sa bahay ay agad na akong tumuloy sa apartment na titirhan namin ni Darius simula ngayon, Dinala ko na muna sa apartment ang dalawang maleta na dala ko bago ako nag ayos para magtungo naman sa hospital.

"Mommy!!"

Tuwang tuwa na salubong sa akin ni Darius pag bukas ko pa lang ng pintuan ng silid na inuukupa niya dito sa hospital.

"Hello baby, kamusta na ang pakiramdam mo?" Nakangiti kong tanong sa kaniya nang tuluyan na akong nakarating sa kaniyang kinarorounan.

I looked at mommy Alexa who was sitting on the sofa, she just gestured to me as a greeting because she was still busy talking on her cellphone.

"I'm already fine mommy!  The doctor even said i can go home, magaling na daw po ako, look!" Masiglang pagbabalita sa akin ni Darius.

May kayabangan pa niyang ipinakita sa akin ang kaniyang hindi pa tumutubong muscle.

Natawa nalang ako at pinupog siya ng halik sa kaniyang mukha, Impit naman siyang sumigaw na kaagad ko ring sinaway dahil may kausap pa ang lola niya.

Humahagikhik pa siya at pilyong inilagay niya ang kaniyang hintuturo sa pagitan ng kaniyang mga labi.

Parang may humaplos na mainit na kamay sa aking puso habang nakikita ko siyang ganito, Puno ng sigla at walang iniinda.

Mukha ngang malakas na talaga siya at lubusan ng magaling, parang hindi siya galing sa isang malagim na aksidente sa siglang ipinapakita niya ngayon.

"Gusto mo na bang umuwi anak?" Marahan kong tanong sa kaniya at sunod sunod naman siyang tumango sa akin.

"Yes mommy! And i miss going to school too" Puno ng pananabik niyang turan.

Napangiti nalang ako at marahang tumango sa kaniya.

Gaya ng sinabi ni Darius ay maaari na nga siyang lumabas ng hospital, pinayagan na siya ng doctor dahil sa magandang resulta ng huling test na isinagawa sa kaniya kaya naman nang sumunod na araw ay inaayos na namin ang mga dapat kailangan naming ayusin para sa pag discharge niya at bago natapos ang buong araw ay nailabas na namin si Darius sa hospital.

Lulan ng sasakyan ni mommy Alexa ay tinatahak na namin ngayon ang daan patungo sa apartment na siyang magiging tirahan na namin ni Darius simula ngayon.

"Are you really sure about this Grace?  Puwede pa rin naman kayo doon sa bahay na sinasabi ko" Naniniguradong tanong sa akin ni mommy habang abala siya sa pagmamaneho.

"Opo mommy, ayos lang po kami doon pansamantala lang naman po" Magalang kong tugon.

She just nodded and didn't push any further, maybe she sees i'm sure of this decision of mine.

"Alright, if that's really your decision but have you and nixon talked about it yet?"

I was stunned for a moment by her question but i immediately recovered and acted normally and unaffected

"Hindi pa po mommy, pero nag iwan naman po ako ng sulat sa kaniya pati na rin 'yong annulment namin na may pirma ko na" Walang gana kong tugon.

Nilingon ko nalang si darius sa likod para baliwalain ang bigat na aking nararamdaman sa aming pinag-uusapan ngayon, naabutan kong tahimik lang na nanunuod si Darius sa ipad na hawak hawak niya.

"And how do you make sure he signs that too and he file it afterwards?" Mommy said playfully.

Saglit niya pa akong nilingon at nakakalokong nginisihan.

Nag salubong naman ang aking kilay, hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang iparating sa sinabi niyang iyon.

"Why not mommy? That's what he's been asking of me for a long time, nag matigas lang po talaga ako noon" Paliwanag ko.

TO LOVE YOU IS LIKE A POISON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon