TLYILAP 33

1K 28 4
                                    


Chapter 33.

Nakarating kami sa opisina ni Mr. Ashford na walang nag sasalita sa amin ni nixon, tanging si Darius lang ang nag iingay sa kung ano anong ikinukuwento niya.

I secretly glanced at nixon, his face still as dark as night, habang panay ang pagtatagis ng kaniyang bagang, halatang galit at iritado siya, Gayon pa man ay nagawa niya pa ring asikasuhin ang pagkain namin ni Darius kahit na halatang galit siya.

Napanguso nalang ako, Hindi ko alam kung paano siya kakausapin na hindi kami mauuwi sa sigawan at pagtatalo lalo na at nandito si Darius.

We ate quietly afterwards, They sat side by side on the sofa while i sat in Mr. Ashford's swivel chair, kaharap nila.

"Here.. eat this, you need to eat a lot of vegetables, your body needs that" Masuyong sabi ni nixon kay Darius habang dinadagdagan niya pa ng gulay ang nasa pinggan ni Darius.

I just bit my lip when i noticed that he was only talking to Darius, Panay ang kuwentuhan nilang mag-ama habang kumakain samantalang nagmumukha naman akong hangin dito kanilang harapan.

Maya-maya ang ginawa kong pagsulyap sa mag-ama at talagang hindi man lang nila ako napapansin! Panaka-naka pa silang nag kukulitan at nag tatawanan habang nag kukwentuhan!

Mas lalong humaba ang nguso ko, itong anak ko naman nandito lang ang kaniyang ama hindi na niya ako pinapansin, nakalimutan na niya ako!

Masama ang loob na nagpatuloy ako sa pagkain, sunod sunod ang ginawa kong pagsubo, parang sa pagkain ko nalang ibinubuhos ang sama ng loob ko para sa dalawang nasa harap ko ngayon.

Bakit nga ba siya nagagalit? Kasalanan ko bang niluluhuran ako? Teka! Ano nga naman sa akin kung galit siya? Pakialam ko naman diba? Hindi pa naman kami ayos ah!

Sa dami ng iniisip ko ay namalayan ko nalang na tapos na pala kaming kumain.

Walang kibo na sinimulan ko nang ligpitin ang aming pinagkainan ganoon din ang ginawa ni nixon habang nasa office table naman si Darius at abala sa panunuod sa cellphone ni nixon.

Natapos kami sa pagliligpit na walang ni isang nagsalita sa amin, nag papatigasan.. walang gustong magpatalo.

Kinuha ko nalang ang aking iPad at tsaka tahimik kong tinungo ang sofa, dumikuwatro ako pagkaupo ko habang nasa ipad na ang buong atensyon ko.

Hindi pa ako nakakatagal sa pagkakaupo ay naramdaman ko na ang paglubog ng sofa sa tabi ko, muntik ng umikot ang aking mata, Hindi ko nalang siya pinansin at binalewala ang presensiya niya.

I heard her sigh violently beside me.

"Grace.." Malumanay niyang tawag sa akin ngunit nag bingibingihan ako at nag patuloy lang sa ginagawa.

"Grace.. let's talk please.." Muli niyang tawag sa akin, may bahid ng pakikiusap at gaya kanina ay dinedma ko lang siya.

Umismid ako sa aking isipan, Manigas ka diyan gago! Kanina hindi mo ako pinapansin tapos ngayon papansin ka?

Narinig ko ang marahas niyang pagsinghap na para bang nagsisimula na siyang mairita sa pagbingibingihan at pambabalewala ko sa kaniya.

Sa isang iglap ay bigla nalang nag laho sa aking kamay ang iPad na hawak ko at natagpuan ko nalang iyon sa kamay ng gagong lalake na katabi ko ngayon.

I turned to him and glared at him.

"Problema mo? Ibigay mo nga sa akin iyan!" Pigil ang galit na angil ko sa kaniya.

Kung wala lang si Darius dito ngayon ay baka nasigawan ko na siya!

Instead of handing it to me, he took my iPad further away from me and laid it on the far side of the sofa.

TO LOVE YOU IS LIKE A POISON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon