TLYILAP 8:

1K 28 9
                                    

Warning: Slow Update Grammatical error and unedited!

10-05-2020

Chapter 8.


"Love.. Atty. Simpson is downstairs, he said he needs to talk to you" Pukaw ng malambing na boses ni nixon sa pagkakatulala ko sa kawalan.

Ngunit hindi ako natinag at nanatili sa dating ayos. Kahit na noong maramdaman ko ang paghawak niya sa aking baywang ay wala siyang nakuhang reaksyon mula sa akin at kahit ang gumalaw hindi ko ginawa.

It's been two days since my parents were buried but until now everything is still fresh to me.. it still hurts.. Tandang tanda ko pa rin kung paano ko naabutan sila mommy noong araw na iyon.. naliligo sa sariling dugo habang tadtad ang buong katawan ng tama ng mga bala.. walang itinira sa mga taong nandito mula sa kasambahay, guard at driver namin, everyone was dead when nixon and i came here. Hanggang ngayon naka-ukit pa rin sa aking isipan ang hitsura nila daddy nang araw na iyon.. para akong unti-unting pinapatay habang nakikita ko ang kalagayan nila, ilang beses pa akong nawalan nang malay hindi kinakaya ang lahat nang mga nangyari at sa bawat pag gising ko ay lagi kong idinadalangin na sana ay panaginip lang ang lahat nang ito, na sana hindi ito totoo..

"Love.. come on, Atty. Simpson is waiting for you and you also need to eat, you have not eaten since yesterday" Muling Untag sa akin ni nixon sa masuyong boses at may kalakip na pagsusumamo.

Walang buhay na lumingon ako sa kaniya, naiiyak na naman ako ngunit wala nang gustong lumabas na luha sa aking mga mata. Nasaid na sa ilang araw kong walang patid na pagluha. Namamaga na nga ang aking mga mata sa walang tigil sa kakaiyak.

"Nixon.. sila mommy.. iniwan na nila ako.. mag-isa na lang ako.." Puno ng paghihinagpis kong sambit sa pagod na boses.

He immediately pulled me closer to him and hugged me tightly at doon sa kaniyang dibdib ako tuluyang bumigay..

"Ssshh... I'm just here, I'm still here I'll not leave you" Malambot niyang pag-aalo sa akin habang panay ang hagod niya sa aking likod.

Napahikbi ako at mas nagsusumiksik sa kaniyang dibdib. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kahalaga ang presensiya ni nixon sa akin dahil hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung wala siya dito ngayon. Siya ang tanging umaagapay sa akin sa mga nakalipas na araw mula nang araw na pagkawala nila daddy. Siya na rin ang kumausap sa mga pulis dahil hindi na ako makausap nang matino at lagi nalang tulala habang panay ang iyak.

Ilang minuto ang lumipas na hinayaan niya lang akong umiyak sa kaniyang dibdib. Nakakulong ako sa kaniyang mga bisig habang panay ang haplos niya sa aking buhok at likod kasabay nang panaka-nakang paghalik niya sa toktok ng aking ulo.

"Are you okay now? You still need to fix yourself and then we go down together" Pukaw niya sa ilang minuto na tahimik kong paghihinagpis.

Medyo kumalma na nga ako pero pumipikit na ang aking mga mata sa magkahalong pagod at panghihina at parang ayaw ko nalang umalis sa pagkakakulong sa kaniyang mga bisig kung hindi ko lang naalala ang sinabi niya kanina na may naghihintay sa akin sa ibaba. Subra ang pagod na nararamdaman ko at tila napansin naman iyon ni nixon dahil binuhat niya nalang ako patungo sa banyo nitong aking kuwarto at tiyaka niya lang pinaapak sa sahig ang aking mga paa nang marating namin ang banyo.

"You take a bath okay? I will wait for you there" Malambing pa niyang turan na ang tinutukoy ay ang aking kama kung saan siya maghihintay sa akin.

Marahang niyang pinatakan ng halik ang aking sintido at kapagkuwa'y puno ng pagsuyo na hinaplos niya ang aking pisngi habang subrang lambot ang tingin na ibinibigay niya sa akin.

TO LOVE YOU IS LIKE A POISON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon