Wakas pt.2

590 14 1
                                    


His Side Continuation..

"Where have you been? To your men?" I coldly asked her as soon as she entered.

Umuwi ako dito kanina na hindi ko siya nadatnan dito sa bahay at kaagad na nilukob ng matinding galit ang aking pakiramdam sa iba't ibang eksena na pumapasok sa aking isipan sa dahilan ng pagkawala niya dito sa bahay, saan pa nga ba siya pupunta? na siguradong sa lalake na naman niya!

Kaagad kong tinungo ang bar dito sa bahay at mabilis akong nag salin ng alak sa isang baso at inisahang tungga ko lang ito na tila ba dito ko ibinubuhos ang galit na kinikimkim ko ngayon!

Carrying a bottle of wine and a glass I went to the living room at hindi nag tagal ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan.. and there she is.. ang manloloko kong asawa.

I smirked bitterly

"S-sa.. u-uh.. s-sa hospital l-lang .. check-up ko ngayon" She answered in a trembling voice.

Saglit akong natigilan at palihim na pinasadahan ng tingin ang may kalakihan na niyang tiyan, pumungay ang aking mga mata habang nakatingin doon ngunit agad din na bumalik sa matalim ang aking mga mata habang nakatitig doon nang maalala kong bunga ng kasalanan ang batang nasa loob nito.

Dahil sa magkahalong poot at panibugho ay samo't saring masasama at pang-iinsulto ang isinusumbat ko sa kaniya.

"Take back what you said! That's not true! My son is not a bastard!" Umiiyak niyang sigaw sa akin.

Malagim ko siyang nginisihan bago ako humakbang palapit sa kaniya.. Nakita ko ang pagbalatay ng takot sa kaniyang mukha dahil sa ginawa ko.

"Why Grace Anne? Isn't what i'm saying is true? The child in your womb is really a bastard, who is the father of that poor bastard again? Oh.. wait! I'm wrong.. the question should be.. which of your men is the father of that child" Puno ng pagkadisgusto kong sumbat sa kaniya na nasundan pa ng maraming beses.

Puro pang-iinsulto at pagpapahirap ang ipinaranas ko sa kaniya habang magkasama kami sa bahay na ito.. I want to make her feel the anger and pain i feel because of what she did to me.

Because of the desire to hurt her i also managed to bring another woman just to make her look like she's not the only one who can do that thing.. na hindi lang siya ang kayang mag loko at lumandi sa iba sa aming dalawa ngunit hanggang doon lang iyon.. dahil kapag kaharap o nasa paligid lang siya tsaka ako nakikipag lampungan at nagiging malambing sa babaeng dinadala ko ngunit pag pasok namin sa dati naming kuwartong mag asawa ay daig ko pa ang yelo sa lamig ng pakikitungo sa babaeng kasama ko.

"Alam mo, Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sa sitwasyon niyong mag asawa, para kayong mga bata na nagkakatampuhan" Natatawa na sabi ni Chantria.. the only woman i always bring here.

Chantria is different from all the girls i've met.. She's not flirtatious and clingy, kaya siguro naging komportable at naging kasundo ko siya bukod pa sa kilala ko naman talaga siya bilang isang babae ng isa sa mga kaibigan ko.

I gave her a sharp look, she was just sitting in front of me on the sofa with her feet up on the center table while i was sitting here on my wide bed.

"Tss.. shut up! umungol ka nalang diyan para may silbi naman ang pagpapapasok ko sa'yo dito sa kuwarto ko" Walang gana kong sabi sa kaniya.

Sinimangutan niya ako. "Gago ka talaga!"

She complained to me but she still did what i said and she moaned loudly as if she was enjoying it so much that it was sure to be heard outside.. I saw how her face turned red from holding back her laughter, nag tiim bagang nalang ako at pabagsak na humiga sa kama habang si Chantria naman ay patuloy pa rin na umuungol ng malakas.

TO LOVE YOU IS LIKE A POISON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon