Chapter 16.
Nasundan pa ang tagpo na iyon sa kaparehong babae, Wala akong ginawa kundi ang magbulagbulagan at magbingibingihan sa lahat ng nagaganap.
Tanga at bobo nga siguro akong maituturing sa pagiging martyr ko pero anong magagawa ko? Nagmahal lang ako, Alam kong mababaw na dahilan para sa iba pero walang nakakaintindi sa sitwasyon ko ngayon.
Siguro nga titigil lang ako sa kahibangan kong ito kapag namanhid na ako sa sakit, yung ubos na usbos na ako at hindi ko na gugustuhin na lumaban pa, hihintayin ko nalang siguro na mangyari iyon, Ang dumating ang araw na mapapagod na ako sa lahat ng ito..
As long as i can, i will still fight my love for my husband.
"Hi Grace Anne, how are you?" I didn't bother to look at the person behind me and i just continued cooking.
Hindi ito ang unang beses na pagtatangka na ako ay kausapin ni chantria, The woman nixon brings here every day.
With each passing day i did nothing but remain silent on the unpleasant happenings within this household.
Whenever they are here, nixon's room is the one they always go to, they were locked up there all day and only come out when chantria, nixon's woman goes home.
Samantalang sa may garden naman ako tumatambay kapag nasa kuwarto na sila, Hindi ko na nanaisin pa na makarinig muli ng mga kakaibang tunog mula sa kuwarto ni nixon, Tama na ang isang beses at baka hindi ko na kayanin ang sakit kung makakarinig ulit ako ng ganoon,
Namamanhid na nga ako sa lahat ng nangyarung ito na ang mga ibinibato niya sa akin ay siya pala ang gumagawa.. gawain niya pero sa akin niya isinisisi.
Parang gusto ko nalang isipin na ginagawa niyang dahilan ang mga ibinibintang niya sa akin para talagang mahiwalayan niya ako, siguro nga ayaw na niya talaga sa akin.
"You still don't want to talk to me? But i also understand you, kung ako rin ang nasa kalagayan mo ay baka nakalbo ko na ang babaeng lumalandi sa asawa ko, subrang bait mo pa nga dahil hindi mo ako nagawang sugurin at saktan" Chantria continued to chatter.
Hindi ako kumibo, Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagupo niya sa counter at tinatanaw ako.
"I'm just wondering, why can't you still leave him even though he's already cheating on you face to face" Pangungulit niya, hindi alintana ang pagiging malamig ko sa kaniya.
"Mahal ko siya" Simple kong tugon sa malamig na tonon.
Pagak siyang tumawa.
"Oh.. that's why, kapag tinamaan ka nga naman, handa kang magpakamartyr para sa taong pinakamamahal mo, you know what pareho lang pala tayo na nag mahal ng isang gago" Puno ng pait niyang sabi.
Doon na ako napatingin sa kaniya at hindi nakaligtas sa aking paningin ang lungkot na sumasalamin sa kaniyang mga mata.
Pero.. mahal niya din si nixon? Unti-unting tumalim ang paraan ng pagkakatingin ko sa kaniya na mukhang napansin niya agad.
"Why do you look at me like that grace? Parang gusto mo na akong ilibing ng buhay sa subrang sama ng tingin mo ah" Natatawa niyang sabi,
Hindi ako natawa dahil walang nakakatawa!
"Don't worry, hindi si nixon ang tinutukoy ko, i love someone else" Dagdag pa niya habang nakangiti.
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ko.. Wala akong tiwala sa isang'to.
"Kaya nasabi ko na pareho tayo dahil isang gago din ang minahal ko" Pagpapatuloy niya.
"Kung ganoon bakit ka pa nakikipaglandian kay nixon?" Mapakla kong sabi.
BINABASA MO ANG
TO LOVE YOU IS LIKE A POISON
De TodoSLAVE SERIES #3: Grace Anne is a simple college student, Siya din ay tinaguriang No Boyfriend Since Birth pero nagbago ang lahat ng iyon when she met a rude and cold man who also became her husband. They had a happy marriage until one night everythi...