SPECIAL CHAPTER

762 17 2
                                    

Special Chapter.

"Dad! stop staring at mommy, it's your turn, move your pieces now"

Saglit akong napatigil sa panghaharot kay Sophia nang marinig ko ang boses na iyon ni Darius, nilingon ko sila na kapwa pa rin nakasalampak sa may buhangin dito sa aplaya ng resort na regalo sa akin noon ni Nixon.. Nakagawian na namin na dito naglalagi tuwing weekend at kapag walang pasok.

Nilingon ni Nixon si Darius na ngayon ay salubong na ang kilay habang masama na nakatingin kay Nixon.. He looked annoyed while staring at his father!

Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang patagong pag ngiwi ni Nixon.

"Daddy is so pussy whipped to mommy!"

Humahagikhig na pakikisali ni Daniel, ang pangalawa naming anak ni Nixon na anim na taong gulang na ngayon.

Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin.

"Watch your mouth Daniel! Where did you learn that word huh?  Don't you know that's a bad word?!" Seryoso kong kastigo sa kaniya.

Kaagad siyang natigilan kasabay ng panglalaki Ng kaniyang mga mata.. ngumuso siya kalaunan at parang maamong tuta na tumingin siya sa akin.

"Sorry mommy.."

Marahan niyang Sabi, akala ko iyon na yun pero may kasunod pa pala!

"But i only heard that from daddy and from his friends when they were talking, they always said that mommy! And that's not all mommy!  They also always say fuck you, Shit, assh---"

He didn't finish what he was saying when his father quickly covered his mouth.

Nalukot ang aking mukha sa aking mga naririnig.

Nakita ko ang pamumutla ni nixon noong bumaling ako sa kaniya.. Ilang ulit pa siyang napalunok na para bang nakakita siya ng isang halimaw habang may takot na nakatingin sa akin.

Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kaniya na may kasamang pagbabanta.

"No love.. That's not true, I don't know anything about that!" Kabado niyang depensa.

Matalim ko lang siyang tiningnan at inirapan kalaunan.

"Mamaya tayo mag tutuos! Ipasok mo na muna 'yang mga anak mo sa loob at linisan mo na rin! Ang dudungis niyo na!"

Masungit kong utos sa kaniya bago ko sila nilampasan habang karga ko pa rin ang bunso naming si Sophia na tahimik lang habang pinaglalaruan nito ang aking buhok.

Mahigit isang taong gulang pa lang ito at buti nalang hindi masyadong malikot at iyakin kumpara sa mga batang nasa edad nito.

"Love! Wait!" Pahabol na tawag ni nixon sa akin na hindi ko na binigyan pa ng pansin..

Manigas ka diyan gago!

"Sorry na love.. pansinin mo na ako.."

Puno ng lambing na bulong ni Nixon sa puno ng aking tainga kasabay ng naramdaman kong pag pulupot ng kaniyang mga braso sa aking bewang habang namahinga naman sa aking balikat ang kaniyang baba.

Abala ako sa paghuhugas ng mga pinaglutuan ko para sa hapunan namin.

I stopped what i was doing and full of annoyance i moved away from him but he didn't move and instead he just pressed his body closer to me.

"Ano ba! Lumayo ka nga! Kita mong may ginagawa ako dito eh!" Iritado kong saway sa kaniya.

Kanina pa siyang ganito.. Panay ang pagpapapansin sa akin dahil hindi ko talaga siya kinakausap at pinapansin simula pa kaninang umaga dahil sa nangyare sa may aplaya, Panay ang sunod at panggugulo niya sa akin kahit pa may ginagawa ako ay hindi niya talaga ako tinitigilan sa pangungulit niya!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TO LOVE YOU IS LIKE A POISON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon