Chapter 9.
"Oy! Sorry na.. nakalimutan ko lang naman kasi talaga eh!" Muli kong pagsubok na pagpapaliwanag at panunuyo sa kaniya.
When i came here earlier, he was already here in my apartment and a mixture of anger and concern was registered on his dark face when i came here. katakot-takot na sermon ang inabot ko kanina sa kaniya at pagkatapos noon ay hindi na niya ako pinansin pa!
"Sorry na nga eh! Ang arte naman!" Naka busangot ko nang sabi. Unti-unti nang naiirita sa patuloy niyang pambabaliwala sa akin.
Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. Napanguso ako at nagbaba ng tingin.
Kanina pa rin siyang abala sa pagluluto habang ako naman ay abala sa kakasunod at panunuyo sa kaniya na tila hindi naman niya naririnig! Para akong hangin dito! Urgh!
"Sungit.." Bulong ko na mukhang narinig niya naman dahil muli niya akong nilingon at malamig na tiningnan.
"I heard you, don't talk to me" Masungit niyang sabi.
Muli akong napanguso. "Hindi ikaw ang kausap ko, sarili ko!" He looked at me sharply again.
"Okay fine! Ayaw mo akong kausapin? Aalis na lang ako!"Naiirita kong sabi at padabog na naglakad ako palabas ng kusina.
Ngunit nakailang hakbang pa lang ako nang may matitigas na braso ang humapit sa aking baywang mula sa aking likuran.
"And where do you think you are going hmm?" He whispered in my ear. may kalakip na galit.
"Sa malayong lugar! 'yong malayo sa'yo!" Hindi natitinag kong sabi at pilit tinatanggal ang braso niyang nakapulupot hanggang sa aking tiyan subalit mas humigpit lang ito doon.
"And do you think i will let you? you can't leave me, Dito ka nababagay sa mga bisig ko" Mariin niyang sabi kasabay ng paghigpit ng yakap niya sa akin. Napalabi ako.
Kinurot ko siya sa kaniyang braso. "Ayaw mo kasi akong kausapin kaya aalis nalang ako!" Pagalit kong sabi, tunog nagtatampo.
"Because you're so stubborn! I ask you where have you been but you did not answer me properly!" Galit niyang sabi, handa na namang manermon!
Nalukot ang aking mukha. "Anong hindi? Sinabi ko na diba? Nalibang lang ako sa mall kanina kaya hindi ko namalayan ang oras!" Giit ko sa kaniya. Patuloy na nagkakaila.
Ayaw kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pag-aapply ko ng trabaho dahil siguradong bubugahan niya ako ng apoy at siguradong kukuntra na naman siya!
"I know you are just lying, you can't fool me" Dismayado niyang sinabi.
Nakagat ko nalang ang aking labi. Bakit ba kay hirap pagsinungalingan ang isang'to? Ang lakas makaramdam!
"Totoo nga!" Giit ko, ayaw magpatalo..
Naramdaman ko ang pagkalas niya sa pagkakayakap sa akin at hinila niya ako at pinaupo sa isang upuan na naroroon.
"You don't want to tell me the truth? Then you stay there and keep your mouth shut!" He said angrily while glaring at me.
And before i could complain again he quickly turned his back on me and went back to what he had done earlier.
Napanguso nalang ako habang pinagmamasdan siya sa mabilis niyang kilos na tila ba sanay na sanay talaga siya sa kusina.. Busangot ang mukha na tinatanaw ko ang isa-isa niyang paglalapag ng iba't ibang putahe ng mga ulam sa maliit kong dining table.. I swallowed, tila biglang nanubig ang aking bagang habang nakamasid sa mga nakakatakam na pagkain na nasa aking harapan ngayon.. kaagad akong dinalaw ng gutom at ang sikmura kong kalma naman kanina ngayon ay nagwawala na!
BINABASA MO ANG
TO LOVE YOU IS LIKE A POISON
RandomSLAVE SERIES #3: Grace Anne is a simple college student, Siya din ay tinaguriang No Boyfriend Since Birth pero nagbago ang lahat ng iyon when she met a rude and cold man who also became her husband. They had a happy marriage until one night everythi...