TLYILAP 26

785 26 4
                                    

Chapter 26.


I thought everything would be fine ngunit ganoon nalang ang panlulumo ko sa nalamang hindi nag match ang blood type namin ni Darius. I was positive while he was B negative.

I tried to ask the blood bank of this hospital but they said there was no compatible blood for Darius with the bloods they have now.

Maaari akong maghanap sa iba pang hospital na mayroong compatible sa blood type ni Darius ngunit maikling oras lang ang ibinigay sa akin ng doctor.

Nag tanong na rin ako sa mga kakilala ko ganoon din sa ilang malapit kong kaibigan ngunit nabigo lang din ako.

Isang tao lang ang naiisip kong sagot sa problema kong ito ang taong makakasalba sa buhay ng anak ko subalit pinangungunahan naman ako ng takot at pride ko.

Paano kung ayaw niya o itanggi na naman niya ang pagiging ama niya kay Darius?

Napahilamos ako sa aking mukha, gulong-gulo na ako pero alam ko naman na wala akong ibang pagpipilian kundi ang lunukin ang lahat ng iyon para sa ikabubuti ni Darius.

Matiim kong tinitigan ang kaniyang malapad na likod, may hawak siyang baso ng alak habang nakatanaw siya sa labas ng bintana, Dito ako tumuloy sa master bedroom pagka-uwi ko galing sa hospital at sa ganitong ayos ko naabutan si nixon.

Mag isang umiinom..

"Why are you here? How is he? Is he okay now?"

Sunod-sunod niyang tanong habang nanatili siyang nakatalikod sa akin, Marahil naramdaman niya ang presensiya ko.

I never saw him again in the hospital after we took darius there at mas nadagdagan lang ang hinanakit at galit ko sa kaniya dahil doon, He really doesn't care about Darius, It seems like he really doesn't care even though our son is in danger.

"I need your help" Walang paligoy-ligoy kong sinabi iyon kahit pa labag naman sa aking kalooban.

If i really had a choice i wouldn't go here and talk to him like this.

Saglit niya lang akong nilingon at ibinalik din niya ang kaniyang tingin sa labas ng bintana.

"What kind of help?  Do you need money?" He asked calmly as if we were just talking about business.

"Darius needs your blood" Walang kaemo-emosyon kong sinabi.

Nakita ko kung paano siya natigilan sa kaniyang kinatatayuan at pagkatapos tuluyan na siyang humarap sa akin parang naging interesado sa sinabi kong iyon.

He placed the glass he was holding on the small table before he stepped closer to me and stopped just a few feet away from me.

Kalmado ang kaniyang mukha kabaliktaran ng kaniyang mga mata na pailalim kung tumitig sa akin na tila ba nababasa nito pati ang kaluluwa ko.

"And what do you mean by that?" He asked flatly.

"You heard what the doctor said right? Darius needs a blood transfusion, nagpatest na ako pero hindi kami magka-match kaya nandito ako para humingi ng pabor sa iyo"

Tinaasan niya ako ng kilay matapos kong sabihin iyon.

"Then what are you doing here now?  You should go to your son's father and not to me, I can't help you because i'm sure we won't match either, you know i'm not his father and he's not my son either"

Napapikit ako ng mariin at parang gusto ko na siyang sugurin at pagsasampalin, he's really an asshole and stupid! Hindi ko alam kung anong utak mayroon siya ang hirap niyang makaintindi!

Nakakagigil.. kung hindi ko lang kailangan ang tulong niya nunca na pupunta at lalapit ako ngayon sa kaniya.

I tried to calm myself down even though i was about to explode in anger and hatred for him, para sa anak ko kailangan kong magpigil at magtiis.

TO LOVE YOU IS LIKE A POISON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon