TLYILAP

3.8K 60 19
                                    

Prologue

02-21-2020

---
Abot tenga ang kaniyang pagkaka-ngiti habang mataman niyang pinag-mamasdan ang pagkaka-ayos ng buong garden na tila ba naging kuntento siya sa naging ayos nito.

Agaw pansin ang isang pabilog na lamesa na nasa gitna nitong garden na nababalutan ng pulang tela. iginala niya ang kaniyang tingin sa buong paligid at halos napapalakpak siya sa ganda ng pagkaka-ayos niya dito. Matutuwa siya sa nakikita niya, Humahalimuyak din ang mga petals ng pulang rosas na naka kalat sa lapag na tila ba siyang-siya na nakikipag-sayaw sa bawat pag ihip ng pang-gabing hangin.

Tanging siya lang ang nag handa ng lahat ng ito maging ang mga pagkain ay siya din ang nag luto ng mga iyon. pinag-day off niya kasi ang mga kasambahay nila pati na rin ang mga guard dahil special ang araw na ito kaya gusto niyang siya ang mag asikaso ng lahat ng ito.

Magugustuhan niya kaya ang lahat ng ito?

Napa kagat labi siya sa pananabik sa magiging reaksyon nito at lalo na sa mga maaaring mangyare sa gabing ito. dahil sa araw na ito ay ang pangalawang anibersaryo ng kanilang kasal ng kaniyang asawa at nais niyang ipag-diwang nila ito na silang dalawa lamang. Kaya lang walang kaalam-alam ang kaniyang asawa sa binabalak niyang ito. hindi nga niya alam kung naalala pa nito kung ano ang meron sa araw na ito! makakalimutin pa naman iyon at idagdag pa ang pagiging abala nito sa trabaho.

Masuyo siyang napa hawak sa impis pa niyang tiyan at di nag laon ay isang matamis na ngiti ang kumawala sa kaniyang mapupulang labi. Isa pa kasi ito sa magiging sorpresa niya para sa kaniyang asawa. dahil ngayong gabi niya rin balak sabihin ang magandang balita na magiging tatlo na sila! Na isang munting supling ang dadating sa buhay nilang mag asawa! Isang supling na mag dadala sa kanila ng kaligayahan at siguradong bubusugin nila ng pagmamahal!

Sinipat niya ang oras sa pambisig na relo at halos lumabas na sa kaniyang dibdib ang kaniyang puso sa lakas ng pag kabog nito.

Malapit na siyang dumating!

Halos tumakbo na siya papasok ng bahay at kung hindi lang siguro siya buntis ay siguradong kumaripas na siya ng takbo! Nag mamadaling tinungo niya ang kwarto nilang mag asawa at masusi niyang sinipat ang kaniyang kabuuan sa harap ng salamin para siguraduhing nasa ayos pa ang kaniyang hitsura at agad naman siyang napa ngiti ng makitang wala namang nag bago.

Ang ganda ko talaga!

Napahagikhik siya sa kaniyang naiisip at muli niyang hinaplos nang naka ngiti ang kaniyang tiyan habang tinataw ito sa salamin na nasa harapan niya.

"Behave ka muna diyan baby ah? Siguradong matutuwa mamaya si daddy kapag nalaman niya ang tungkol sayo" naka ngiti niyang pagka-usap sa wala pang kamuwang-muwang niyang magiging anak na nasa kaniyang sinapupunan.

Nang bigla siyang nakarinig ng pag parada ng isang sasakyan sa labas. nanlaki ang kaniyang mga mata kasabay ng pag silay ng malapad na ngiti sa kaniyang mga labi.

"Nadiyan na si daddy baby!"

Puno ng galak niyang bulalas at may pag mamadali siyang lumabas ng silid upang salubungin ang kakarating pa lang na asawa.

Tamang tama lang nang makarating siya sa may garden ay siya namang pag baba ng kaniyang asawa sa sasakyan nitong nakaparada na sa kanilang garahe. Sigurado siyang hindi pa nito napapansin ang ayos ng garden dahil madilim dito dahil nga pinatay niya muna ang ilaw.

"Love!" Masigla niyang niyang tawag dito habang abot tenga ang kaniyang pagkakangiti.

Pero bigla din siyang natigilan nang makita niya ang mukha nito noong lumingon ito sa gawi niya. Napalis rin ang ngiti sa kaniyang mga labi na kanina lang ay naka paskil dito at habang pinag-mamasdan niya ang madilim nitong mukha at ang nag tatagis nitong bagang ay isa lang ang naisip niya. Matindi ang galit na nararamdaman nito ngayon at kung para saan? Iyon ang hindi niya alam!

TO LOVE YOU IS LIKE A POISON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon