TLYILAP 31

1K 24 1
                                    

Chapter 31.

Wala pa si Darius noong makauwi ako sa apartment, marahil kung saan na naman siya dinala ni mommy Alexa.

Kasalukuyan pa lang akong nag papalit ng damit pambahay nang biglang may kumatok sa pinto, kumunot ang aking noo, kung sila mommy Alexa ang nasa labas ay hindi na nila kailangan pang kumatok dahil may sariling susi naman na siya.

Maraming pumapasok sa aking isipan habang humahakbang ako patungo sa may pintuan.

"May susi po k-- Anong ginagawa mo dito?!" I suddenly shouted at nixon when his frowning face appeared on me when i opened the door.

Ang bilis naman yata niyang nakasunod dito? Parang kakarating ko pa lang ah!

"Why did you leave earlier? You saw me there didn’t you?" Iritado niyang paunang tanong.

Sumandal ako sa hamba ng pintuan at humalukipkip sa kaniyang harapan at tinaasan ko siya ng kilay pagkatapos.

"Bakit naman hindi? Pauwi na ako noon" Pabalang kong balik sa kaniya.

Dismayado niya akong tiningnan, salubong ang kaniyang mga kilay.

"Matagal akong nag hintay sa iyo kanina doon tapos iiwan mo lang ako?" May hinanakit niyang sumbat sa akin.

Napipilan ako sa narinig, so tama nga ang hinala ko kanina? Ako nga talaga ang sadya niya doon?

Tumikhim ako, Hindi ko ipinahalata na bahagya akong naging apektado dahil doon.

"Sino ba kasi ang nagsabi sa iyo na mag hintay ka doon? At bakit ka nga ba nag punta pa doon?" Masungit kong tanong sa kaniya.

Mariin niya akong tiningnan na para bang unti-unti na siyang nauubusan ng pasensiya sa akin.

"I want to pick you up so i was there earlier but what did you do? You just left me there!" Giit niya.

Umismid ako kaya mas lalo lang siyang nairita sa reaksyon ko.

"Hindi kita driver para mag pasundo sa iyo" Patuloy kong pangbabara sa kaniya.

Napahawak siya sa bridge ng kaniyang ilong, parang bigla siyang na stress sa akin.

"Can you answer me properly? I don't like your sarcasm of me" Iritado niyang sabi sa akin.

Aba! Aba! Ako pa talaga ha? Umayos ako ng tayo at mariin din siyang tiningnan.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito ngayon? Wala pa si Darius dito bumalik ka nalang mamaya" Pag tataboy ko sa kaniya at lalo lang bumusangot ang kaniyang mukha sa sinabi kong iyon.

"Hindi lang siya ang pinunta ko dito, Ikaw ang sadya ko kaya ako naririto, gusto kong mag usap tayo at gusto din kitang makita" Walang kagatol gatol niyang sabi.

Muntik ng malaglag ang aking panga nang marinig ko iyon, parang may nag rarambulan na mga kulisap sa loob ng aking tiyan sumasabay sa lakas ng kabog ng aking dibdib.

Tumikhim ako at pilit na itinatago ang totoo kong nararamdaman, iyon pa lang ang sinabi niya nagkakaganito na agad ako! nagiging marupok na naman ako! paano pa kaya kung higit pa doon ang gagawin niya?

Ipinilig ko ang aking ulo para hamigin ang sarili.

"Ano pa ang dapat nating pag usapan? Tapos n--"

"Can we talk inside?" Pag putol niya sa pagsasalita ko.

Tumingin pa siya sa paligid at doon ko pa lang napansin na may mga nakatingin na pala sa amin, ang mga nakatira sa katabi ng apartment na inuukupa namin.

Ngumuso ako at umirap sa kaniya, kung ganiyan klasing sasakyan ba naman kasi ang dala niya ay siguradong maraming mga mata ang makikiusyoso, bukod pa sa ayos at hitsura niya na hindi nababagay sa ganitong lugar, masyado siyang nakakasilaw! halatang mamahalin!

TO LOVE YOU IS LIKE A POISON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon