TLYILAP 29

906 23 2
                                    

Chapter 29.

My plan to bring Darius to my workplace did not happen, dahil si mommy Alexa na ang sumusundo sa anak ko sa school niya at sinasama siya ni mommy sa lahat ng lakad nito, naging pabor din naman sa akin iyon dahil hindi ko na aalalahanin pa ang pag-iiwanan ko sa kaniya.

"Engineer Wagner.. para daw po sa iyo, galing po kay Engineer Alvarez" Kaagad na salubong sa aking ng messenger namin pagpasok ko pa lang.

Inilahad niya sa akin ang isang palumpon ng bulaklak.

I immediately felt the curious and piercing looks focused on our direction, my lips pressed hard.. Umagang umaga ay nag sisimula na agad na uminit ang ulo ko!

Labag sa loob na tinanggap ko ang bulaklak na iyon at sabay baling ko sa isang babaeng malapit sa akin.

I smiled friendly at her as i handed her the flower i was holding.

"Gusto mo ba ito? Sa'yo na lang" Nakangiti kong tanong sa nakatulalang babae na mukhang isa din sa nahuhumaling sa makulit na Engineer na iyon.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at wala sa sarili na tinanggap niya ang bulaklak na iyon.

Kitang kita ko kung paano nagulat ang messenger sa ginawa kong iyon at pagkatapos mabilis siyang tumalikod at nagmamadaling nag lakad palayo.

Naipilig ko nalang ang aking ulo at parang walang nangyare na nagpatuloy ako sa paglalakad.

Mas lumala lang ang usapan tungkol sa amin ni Engineer Alvarez dahil sa lantaran niyang pagpapadala ng bulaklak at chocolate sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang trip sa buhay ng lintek na Engineer na yun kung bakit niya ginagawa ang mga ito!

"Engineer Wagner!!" Gulat na bati sa akin ng mga empleyado na nasa kaniya-kaniyang cubicle dito sa sixth floor.

"Nasaan si Engineer Alvarez? I need to talk to him" Mariin at malamig kong tanong sa mga naririto.

Kaagad na nag bulungan ang mga ito at parang alam ko na kung ano ang laman ng mga topic nila.

"Nasa office niya po Engineer" Sagot noong isa habang nakaturo sa nakasaradong pintuan sa kaliwa.

Tumango lang ako at walang kangiti-ngiti na naglakad patungo doon, kumatok lang ako ng dalawang beses bago ko binuksan ang pintuan.

"Engineer Wagner?!" Gulat na bulalas ni Engineer Alvarez nang makita niya ako.

He even got up from his swivel chair and quickly stepped closer to me.

I crossed my arms in front of my chest and stared at him intently.

"I'm here to talk to you about something Engineer" Malamig kong pagsisimula.

Lumapad naman ang pagkakangiti niya hindi alintana ang mariin kong titig sa kaniya.

"Sure Engineer, what is it? And by the way, have you received the flower i sent for you this morning?" He asked excitedly,

Bakas pa ang tuwa at sigla sa kaniyang mukha, parang hindi niya talaga napapansin ang hindi magandang bukas ng mukha ko ngayon at mas lalo lang akong naiirita habang nakikita ko ang pagkakangiti niya ngayon.

"That's why i'm here and why i want to talk to you, gusto kong tigilan mo na ang ginagawa mong pagpapadala ng bulaklak at chocolate sa akin Engineer" Deretsahan kong sinabi sa kaniya.

His smile immediately faded and he looked at me confused.

"Why Engineer? Didn't you like it? Ano ba ang gusto mo at iy--"

TO LOVE YOU IS LIKE A POISON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon