Chapter 23.
Hindi ko alam kung ano trip ni nixon sa pinag-gagawa niya ngayon, halos mag dalawang linggo na siyang hindi pumapasok sa kompanya niya at dito siya naglalagi sa bahay, Mukhang dito niya na rin ginagawa ang trabaho niya.
Ayaw kong mag-isip ng hindi maganda tungkol sa pinaggagawa niya pero bakit pakiramdam ko binabantayan niya ang bawat galaw namin ni Darius?
Kung nasaan kami ay nandoon din siya, mas lumala pa nga siya ngayon na mas naging mahigpit pa na pati ang bawat paglabas ko ng bahay ay kailangan niya muna na malaman.
"Mom, what's going on with daddy? Why does he always follow us?" Darius asked in a whisper when he saw that nixon was busy talking on the phone.
Mukhang hindi na siya nakatiis dahil sa ilang araw ng ganito ang kaniyang ama, parang aso na sunod ng sunod sa amin!
"I don't know either son" Tanging naisagot ko kay Darius dahil maging ako man ay hindi alam ang sagot sa tanong niya.
"He's been so weird these days, He looks like a retarded old man "
Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong juice dahil sa kaniyang sinabi.
Napangiwi ako. Saan niya nakukuha ang ganiyang mga salita?
"Why are you whispering there? What are you talking about?" Halos sabay kaming napahiwalay sa isa't isa ni Darius ng marinig namin ang boses ni nixon.
Tapos na pala siya sa pakikipag-usap sa cellphone niya ng hindi namin namamalayan.
Sabay kaming umayos ng upo ni Darius at umakto na parang walang nangyare.
Ramdam ko ang matiim na paninitig sa amin ni nixon. Para bang may malaki kaming kasalanan na nagawa.
"I'm asking you two what are you talking about?"
Napangiwi ako sa muli niyang pagtatanong, Para siyang striktong tatay na pinapagalitan ang anak.
Ito na naman siya sa mga tanungan niya. Palagi na siyang ganito simula noong ginabi kami ng uwi ni Darius, halos lahat ng galaw namin ay inaalam at tinatanong niya maliban nalang pag nasa kuwarto na kami ni Darius.
Hindi ko alam kung napapraning na siya o sadyang nababaliw lang.
"Nothing.. it's just about the food" Palusot ko, idinahilan ang pagkaing dala niya.
Kanina pa kami nakatambay ni Darius dito sa sala para manuod ng movie at nagulat nalang kami sa bigla niyang pagdating habang bitbit niya ang pagkain na kanina pa namin nilalantakan.
Wala sana kaming balak na galawin ang pagkain na dala niya ngunit hindi namin napigilan dahil sa nakakatakam nitong hitsura na masarap nga talaga, Simpleng nachos lang naman ito ngunit may mga toppings sa ibabaw na nagpapasarap dito.
"Are you sure? Mukhang importante ang pinag-uusapan niyo" He asked doubtfully.
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
"Kung ayaw mong maniwala huwag ka nalang magtanong" Asik ko sa kaniya.
Agad niyang itinaas ang kaniyang mga kamay.. tila sumusuko.
"Alright, sorry i'm just asking" He said softly, Puno ng pagpapakumbaba.
Hindi ko talaga napipigilan ang hindi siya kausapin kapag ganito siya kakulit.
Umirap nalang ako sa kaniya at hindi na kumibo pa, Laglag ang balikat na umupo siya sa katabing sofa at nakinuod sa pinapanuod namin habang may laptop na nakalapag sa kaniyang mga hita.
Napansin ko ang maya-maya na pagsilip ni Darius kay nixon kaya tinanong ko na siya.
"What are you doing baby? "
BINABASA MO ANG
TO LOVE YOU IS LIKE A POISON
SonstigesSLAVE SERIES #3: Grace Anne is a simple college student, Siya din ay tinaguriang No Boyfriend Since Birth pero nagbago ang lahat ng iyon when she met a rude and cold man who also became her husband. They had a happy marriage until one night everythi...