TLYILAP 5:

988 28 4
                                    

Chapter 5.

"Tuloy ba kayo mamaya grace?" Nag angat ako ng tingin kay andi mula sa tinitingnan kong papel na hawak ko.

"Oo. kaya pilit kong tinatapos ang mga requirements ko ngayon" Tugon ko.

Patapos na kasi ang taon at summer vacation na namin at next year ay ga-graduate na kami at dahil bakasyon na nga ay nag aya si Nixon sa isa daw sa rest house nila at kaagad naman akong pumayag matapos kong makapagpaalam kila mommy na isang kaibigan ko ang kasama ko.

Hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin si Nixon sa akin. Hanga rin ako sa pagiging matiyaga niya na ayon kay andi ay himalang umabot ng ilang buwan ang panliligaw ni nixon sa akin. Sa totoo lang may mga oras na gusto ko na siyang sagutin ngunit masyado pa akong nag i-enjoy sa ginagawa niyang panliligaw sa akin. Pero kung totousin parang kami na rin naman dahil sa nagagawa na rin namin ang ibang ginagawa ng magkasintahan naliban nalang sa bagay na iyon! Make out make out pa lang!

"Na all nakakapagbakasyon" I looked at andi again when i heard her sigh heavily.

"Bakit ikaw? Wala ka bang balak mag bakasyon?"

"Wala akong panahon sa mga ganiyan, puro trabaho na naman ako buong bakasyon dahil kung hindi ako kakayod wala akong datong sa susunod na pasukan" she said sadly.

Para namang may pumiga sa aking dibdib sa aking narinig mula sa kaniya.

"Kung gusto mo sumama ka nalang sa amin. Sasabihin ko kay nixon" Pag-aaya ko sa kaniya. Sigurado naman ako na papayag agad si nixon kung isasama namin si andi. Mabait naman 'yon kahit mahal ang ngiti ng isang iyon.

"No thanks.. ayaw kong mag mukhang chaperone niyong dalawa no! At siguradong maiingit lang ako sa mga gagawin niyo doon na walang iba kundi mag lampungan" Nakabusangot niyang turan.

Nag-init naman ang aking pisngi sa kaniyang sinabi. "Hindi naman kami puro ganoon ang ginagawa ah!" Depensa ko pa.

"Maniwala sayo! Kung hindi ko pa laging nakikita ang mga chikinini sa balat mo baka maniniwala pa ako sayo!" Puno ng panunudyo niyang sabi.

My eyes widened at what i heard and quickly turned around to the four corners of this cafeteria at mas lalong uminit ang ang aking mukha nang makita kong may iilan na studyante na napatingin sa dako namin! Lalo na ang ibang mga babae na may mga mapanghusgang tingin na agad ang ibinabato sa akin. Nilingon ko ang nakangising si andi at sinamaan ng tingin.

"Andi! 'yang bunganga mo!" Gigil kong kastigo sa kaniya but the witch just smiled at me more.

"Bakit ba? Hayaan mo kung marinig man nila iyon! inggit lang sila kasi ikaw ang niligawan nang matagal na nilang pinapantasiyang si Nixon!" Walang pakundangan niyang sabi at dinaig pa niya ang busina ng jeep sa lakas ng boses niya!

Kaagad na umingay ang buong paligid nitong cafeteria at sari-saring hindi magagandang salita ang ibinubulong ng mga nandito na karamihan ay mga babae.

Napapikit ako ng mariin. Hindi na ako magtataka kung mamaya ay may mag aabang na sa akin para kalbuhin o kawawain ako. Sa dami ng nagkakandarapa kay nixon siguradong hospital ang bagsak ko nito!

Padabog akong tumayo at hinila na ang tuwang-tuwa na si andi. "Hoy! Teka lang! Saan tayo pupunta? Hindi pa ako tapos kumain sayang 'yong one hundred ko!" Sigaw niya pero tila wala akong narinig na patuloy lang siyang hinihila palabas ng cafeteria at palayo sa mga matang puno nang panghuhusga at panliliit na naka tingin sa akin.

"Grace Anne ano ba?! 'yong pagkain ko!" Patuloy niyang reklamo.

Binitawan ko siya noong makalayo na kami ng tuluyan at padabog na hinarap.

TO LOVE YOU IS LIKE A POISON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon