TLYILAP 10

748 19 0
                                    

Chapter 10.


Ang pakiramdam na may mabigat na bagay na nakadagan sa aking katawan ang gumising sa akin kinabukasan.. napa ungol ako at sa namimigat na talukap at unti-unti kong iminulat ang aking mga mata subalit muli ko rin itong naipikit ng bahagya nang masilaw ako sa isang liwanag na nagmumula sa sikat ng araw na tatagos sa isang salaming dingding, nakalihis ang isang makapal na kurtina doon kaya malayang pumapasok ang liwanag.

I frowned when i realized something and my eyes immediately widened when i noticed that i was in an unfamiliar room! Bumalikwas ako ng bangon ngunit hindi ko rin naman nagawa dahil sa isang mabigat na nakadagan sa aking katawan.. puno ng pagtataka na napatingin ako sa aking gilid at ganoon nalang ang aking pagkagimbal nang may isang lalake ang tumambad sa aking paningin! Magpapanic na sana ako kung di ko lang nakita ang payapa nitong mukha, my whole system automatically calmed down as i watched his handsome face.. tulog na tulog ito na tila ba galing sa isang nakakapagod na paglalakbay.. ngayon ko pa lang din napansin ang ayos niya, halos nakadagan na siya sa akin at ang mga braso at hita niya pala ang kanina ko pang nararamdaman na mabigat na nakadagan sa akin! nag mukha siyang sawa na nakapulupot sa aking katawan na para bang takot siyang mawala ako sa kaniya.. I peeked under a comforter that covered our bodies and i breathed a sigh of relief when i saw that were dressed again.. bagamat ramdam ko ang sakit ng buo kong katawan lalo na ang nasa aking pagitan pero binaliwala ko nalang iyon at muling binalingan ang katabi..

I giggled softly, takot na maistorbo ko siya sa mahimbing niyang pagkakatulog ngunit hindi ko rin napigilan na ilapit ang aking mukha sa kaniyang mukha.. kaagad kong nalanghap ang mabango niyang hininga at namalayan ko na lang na ninakawan ko na pala siya ng halik sa kaniyang mga labi hindi lang isa kundi ilang ulit pa.. napangiti ako nang bahagya siyang gumalaw na tila ba naistorbo ko ang masarap niyang tulog.. I grinned as i ran my fingers from his lips to his nose but i stopped what i was doing when suddenly a rough hand caught my fingers..

Immediately my gaze flew to his face and his mischievous grin greeted me! He's awake! and he was staring at me intently..

"You naughty my love, you want more hmm?.." he said playfully. He even took my hand to his mouth and gently kissed it!

Nag init ang aking mukha sa narinig at kaniyang ginawa, "kapal mo!" Impit kong reklamo na may kasama pang pag hampas sa kaniyang malapad na dibdib.

Tumawa lang siya at muli niyang nahuli ang aking kamay.. napakagat labi nalang ako,

"Bitaw na! late na ako sa klase ko!" Maya-maya ay reklamo ko sa kaniya nang ilang sandali ay nanatili pa rin kaming nakahiga habang tila sawa na nakapulupot pa rin siya sa akin.. tila wala siyang balak na bumangon na!

Sinubukan ko pang humiwalay sa kaniya para makatayo na ngunit hindi ko man lang maigalaw ang aking katawan sa higpit ng pagkakayapos niya sa akin at halip na pakinggan ako ay mas hinigpitan niya lamang ang kaniyang yakap at hindi pa siya nakuntento ibinaon niya pa ang kaniyang mukha sa aking leeg! Kaagad akong nakaramdam ng kiliti at tuluyang impit na tumili nang halikan at kagatin niya ang balat ko doon!

"Nixon nga! Nakikiliti ako!" Hiyaw ko natatawa na.. natawa rin siya pero hindi pa rin naman tumigil sa ginagawa.

Pasambunot kong hinawakan ang kaniyang buhok at buong puwersa kong iniangat ang kaniyang ulo palayo sa aking leeg.

"Gutom na ako!" Reklamo ko at pilit sumimangot sa kaniya para lang matinag na siya! at mukhang epektibo naman dahil bahagya na siyang lumayo sa akin at matiim niya akong tinitignan na tila ba tinitimbang niya kung gaano katotoo ang aking sinabi..

"Alright, your wish is my command my queen" Aniya sa mapaglarong tono na may kasama pang pagkindat.. nag init naman ang aking pisngi hindi pa rin nasasanay sa pagiging maloko niya..

TO LOVE YOU IS LIKE A POISON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon