08-31-2020Chapter 1.
"Grace!!"
I stopped walking when i heard that familiar shrill voice, i turned around and saw Andi my only friend running towards me. Nakamata lang ako sa kaniya habang hinihintay kong makalapit siya sa akin.
"G-grabe! Ang bilis mong mag lakad wooah! Kanina pa kita tinatawag sa may gate hindi mo man lang ako narinig" Chasing her breath she scolded me when she finally got close to me.
"Talaga ba? Pero hindi naman talaga kita narinig, hindi rin kita nakita doon" Dahilan ko. Totoo naman kasi hindi ko talaga siya narinig at napansin.
Inirapan niya ako at ngumuso kalaunan. "Ganiyan ka naman porke naka sasakyan ka hindi mo na ako napapansin" Pagdadrama niya.
I glared at her and when i was not satisfied i pulled her hair hard!
Napadaing siya at nakangiwi na hinawakan niya ang kaniyang ulo.
"Tigilan mo ako sa kadramahan mo ha? Kakalbuhin talaga kita" I said angrily to her.
Ito ang pinakaayaw ko sa lahat ang ipagkumpara niya ang kalagayan namin sa buhay. Dahil para sa akin mayaman ka man o mahirap pareho lang kayong kumakain ng kanin!
Ngumuso nalang siya at umangkla sa aking braso.
"Hindi ka na mabiro, tinatry ko lang naman kung papasa na akong maging artista mas madali ang pera doon yayaman agad ako" Naka ngisi niyang sabi.
I just rolled my eyes, ito na naman siya sa paghahangad na maging bilyonarya.
Naiiling nalang ako nang magsimula na kaming maglakad patungo sa unang schedule namin.
Pareho kaming nasa ikaapat na taon sa koleheyo sa kursong civil engineering, block section kami kaya himala na halos pareho kami ng schedule ni andi mula pa noon ay halos hindi na kami nagkakahiwalay. paano nangyari iyon? Hindi ko rin alam.
"Buti nalang talaga hindi tayo naging officer no? Nakakastress pag ganitong may event na magaganap" Biglang komento ni andi habang mataman niyang pinagmamasdan ang mga abalang officer dahil sa gaganaping event ngayong araw.
Nakigaya na rin ako sa ginagawa niyang pagmamasid sa mga aligagang studiyante na mga officer sa kung anong departmento. Sang ayon ako sa sinabi ni andi ang ayaw ko talaga ay ang mainvolved sa mga ganiyan dahil nga sa daming ginagawa o obligasyon na dapat mong gampanan kapag isa kang officer, kaya bumabawi nalang ako sa mga academic basta ba hindi lalagpas ng tres ang nakukuha ko ay ayos na sa akin ngunit sa awa naman ng diyos madalas uno o dos ang nakukuha ko.
"Ano nga ba ang ganap ngayon?" Tanong ko kay andi nang maalala kong hindi ko nga pala alam kung tungkol saan ang magaganap na event dito.
"Malay, basta ang narinig ko may gusto daw i-announce ang may-ari nitong school" Kibit-balikat niyang sagot.
Ano daw?
"Ewan ko ba sa trip ng may-ari nito, puwede naman siyang pumunta sa control room at doon maglitanya ng saluubin niya maririnig naman ng buong school ang pangit niyang boses" Pagpapatuloy niya.
Natawa ako, kahit kailan talaga ang bunganga ng bruhang'to!
Naiiling nalang ako,
"Good morning sa dalawang magagandang dilag" Napatigil kami sa paglalakad nang biglang may humarang sa daraanan namin na apat na lalake.
Nagsikuhan pa ang mga ito habang pawang mga naka ngisi na naka tingin sa amin. kung hindi ako nagkakamali business ad. Ang course ng mga ito.
Kumalas sa pagkaka-abresyete sa akin si andi at nakahalukipkip na hinarap niya ang apat at kapagkuwa'y tinaasan niya ng kilay ang mga ito.
BINABASA MO ANG
TO LOVE YOU IS LIKE A POISON
RandomSLAVE SERIES #3: Grace Anne is a simple college student, Siya din ay tinaguriang No Boyfriend Since Birth pero nagbago ang lahat ng iyon when she met a rude and cold man who also became her husband. They had a happy marriage until one night everythi...