TLYILAP 24

752 23 2
                                    

Chapter 24.

Parang hinihila ang araw sa bilis nitong lumipas, maglilimang na taon na rin ngayon si Darius at nagsisimula na siyang pumasok bilang grade one.

Sa subrang matured niya at sa pagiging marunong na niyang magsulat at magbasa diretso grade one na agad siya.

"Halika na anak at baka mahuli ka pa sa school mo" I called to Darius who was quietly waiting for me in the living room.

Ihahatid ko na muna siya sa school niya bago naman ako papasok sa kompanyang pinapasukan ko ngayon.

As i had planned then, I resigned from my previous job and applied as a civil engineer, I was immediately hired by a large and well known company, the ACDC or Ashford Construction and Development Corporation.

Medyo malaki sila kung magbigay ng pasahod at maganda din ang mga benipesiyo na ibinibigay nila sa kanilang mga empleyado kaya hindi na ako nag dalawang isip na mag apply at pumasok doon.

Kunting panahon at pag-iipon nalang at mabibili o maipapagawa ko na rin ang bahay na para sa amin ni Darius.

Hindi nagbago ang binabalak kong pag-alis namin sa bahay na ito, kahit pa medyo maayos na ang pakikitungo ni nixon sa aming mag-ina,

Ayaw kong magpakompyansa at baka bigla na namang magbago ang ihip ng hangin kay nixon at muli niya kaming palayasin dito.. mas mabuti na rin ang handa.

"Will you pick me up later mommy?"

Bumagsak ang aking tingin kay Darius na nakahawak na pala sa aking kamay ng hindi ko namamalayan.

Nakatingala siya sa akin, marahan kong tinanaw ang kaniyang kabuuan, nakasuot na siya ng uniporme ng school na pinapasukan niya ngayon, long sleeve na may gray necktie na pinatungan ng blue na blazer ang pang itaas niya, Samantalang black slacks naman ang pang-ibaba niyang suot.

Kahit nakasuot ng four inches na heels ay nagawa ko paring pumantay sa kaniya para ayusin ang suot niyang black shoes.

"Susubukan ni mommy anak pero pagwala pa ako sa service mo nalang ulit ikaw sasabay ha?" Bilin ko sa kaniya bago ako umayos ng tayo.

Gustong gusto niya talaga na ako ang naghahatid at nagsusundo sa kaniya.

He nodded slowly as if he understood why i couldn't pick him up later.

"Let's go baby"

Iginiya ko na siya palabas, mag tataxi lang ulit kami ngayon na nakasanayan na rin naming gawin, Isa na rin iyon sa kailangan kong pag-ipunan ang pangbili ng sasakyan para hindi na kami mahirapan na palaging nag co-commute.

Ang aligagang palakadlakad na si nixon ang bumungad sa amin pagtapat namin sa garahe, bihis na bihis na siya na halatang handa na sa pagpasok sa trabaho.

Nasa labas pa siya ng kaniyang sasakyan, para siyang may hinihintay.

Kaagad siyang natigil sa ginagawang pabalik-balik sa paglalakad nang makita niya kami.

"Papasok na kayo? Get in, ihahatid ko na kayo"

Tumaas ang aking kilay sa aking narinig, para siyang may pitong ulo sa uri ng titig na ibinibigay ko sa kaniya.

Tatanggi pa lang ako ng kumawala na si Darius sa pagkakahawak ko sa kaniya at kumaripas ng ng takbo patungo kay nixon.

"Let's go mommy! I'll be late for school!" May pagmamadali na tawag ni Darius sa akin.

Napapikit ako ng mariin at walang nagawa na humakbang nalang din palapit sa kanila lalo na noong nakita kong mabilis nang naalalayan ni nixon si Darius papasok sa likurang upuan ng kaniyang sasakyan.

TO LOVE YOU IS LIKE A POISON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon