TLYILAP 30

984 27 5
                                    

Chapter 30.


"Mommy!!"


Darius greeted me warmly as i entered our apartment.

Tumakbo siya patungo sa akin at agad ko naman siyang sinalubong ng yakap, lumuhod pa ako para mapantayan ang taas niya.

He quickly kissed both my cheeks and tenderly hugged me, ang lahat ng pagod ko sa buong maghapon ay tila bula na biglang naglaho sa isang yakap at halik niya lang.

"Nandito ka na pala hija.. aalis na rin ako dahil may dadaluhan pa akong party" Biglang sabi ni mommy Alexa na kakalabas lang ng cr.

"Salamat po sa pagsama kay Darius mommy" Sinsero kong pagpapasalamat sa kaniya.

Ngumiti lang siya sa akin at binalingan ang apo niyang nakakalong na sa akin, ganito talaga siya sa tuwing umuuwi ako galing sa trabaho, parang tuko na nakadikit sa akin!

"Darius hijo.. I'm leaving, I'll see you again tomorrow okay? we'll go to Baguio tomorrow" Mommy said goodbye to Darius.

Umangat naman ang ulo ni Darius sa pagkakasandal sa aking leeg, tiningnan niya ang kaniyang lola at pilit na inaabot ito para gawaran ng halik sa pisngi nito.

"Take care lola" Malambing na paalam ni Darius.

Lumapit naman ako kay mommy at humalik na rin sa pisngi niya.

"Ingat po mommy and enjoy the party" Nakangiti ko naman na bilin sa kaniya.

Matamis lang siyang ngumiti sa amin bago siya lumabas at tuluyang umalis.

"Baba ka na muna anak, magbibihis lang ako, manuod ka na muna doon" Baling ko kay Darius noong kaming dalawa nalang ang natira.

Tumango naman siya at nagpapababa na, kaagad siyang tumakbo patungo sa sala habang tinungo ko naman ang kuwarto para magpalit ng damit. Mabilis lang din naman akong natapos at muli ding lumabas.

Dumiretso ako sa sala at naabutan ko si Darius na abala sa pagbubukas sa bagong laruan, lumapit ako sa kaniya at tinabihan siya sa pagkakaupo.

"Bago ba 'yan anak? Galing kay lola mo?" Kaswal kong tanong sa kaniya.

Hindi na ako nagugulat sa tuwing may bagong laruan at gamit akong nadadatnan sa tuwing umuuwi ako dito, halos mapuno na nga itong apartment sa mga laruan at gamit na binibili ni mommy Alexa.

"Hindi po mommy, daddy gave it to me, he picked me up earlier from school and took me to his company" May bahid ng galak niyang pagkukwento.

Natigilan naman ako ng marinig ko iyon, Wala akong kaalam-alam na pinuntahan at nagkita na pala sila ng kaniyang ama, Hindi na ulit kami nag kausap ni nixon matapos ang pag-uusap namin na iyon sa site.

Kahit na napapadalas na rin ang pag punta niya sa site ay ginagawa ko naman ang lahat para hindi na siya ulit makalapit sa akin at hindi rin naman ako nahirapan na gawin iyon dahil palaging nandoon ang ibang architect at Engineer na kasama ko sa project na iyon.

"Is that okay mommy?" Biglang tanong ni Darius sa mahinang boses ng mapansin niya ang pananahimik ko.

I looked at him and saw him looking at me gently, tila ba nakokonsensya siya.

I gently stroked his hair and i smiled lightly at him. "Are you happy baby? Are you happy to be with your dad?" Sa halip ay tanong ko sa kaniya.

Sunod sunod naman siyang tumango bakas ang sigla at tuwa sa kaniyang mga mata at malawak pa ang pagkakangiti niya.

"Yes mom! He is kind to me now and he even apologized for being mean to me then" Nagagalak niyang sabi.

Maliit akong ngumiti sa kaniya, nakaramdam ng tuwa para sa kaniya.

TO LOVE YOU IS LIKE A POISON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon