Chapter 12.
"Grace Anne! Dalhin mo na ako sa mental hospital! Mababaliw na yata ako!!" Ngumangawang salubong sa akin ni Andi.
Halos bumanghalit ako ng tawa sa nakikita kong hitsura niya ngayon. Parang dinaanan ng bagyo ang kaniyang buhok dahil sa subrang gulo nito na tila ba ilang ulit siyang nagkamot ng ulo.
"Anong nangyare sa'yo? Bakit ganiyang ang hitsura mo?" Natatawa kong tanong sa kaniya.
"Hindi ko kinaya 'yong exam! Nakakabaliw sa subrang hirap!" Reklamo niya sabay hablot niya sa kinakain kong chips.
Bastos talaga ang bruhang 'to!
"Ngayon ka pa nagreklamo kung kailan tapos na tayo" Naiiling kong sabi.
Ito na kasi ang huling araw ng pag take namin ng board exam. Ilang Araw at gabi din ang ginawa naming pagsusunog ng kilay sa pagre-review para dito.
"Tapos na nga pero pakiramdam ko ito na ang katapusan ko. tapos paano pag hindi ako makapasa ganito na naman? Saksakin mo nalang ako grace anne pag nangyare 'yon!"
"Alam mo ang nega mo! Huwag mong isipin na babagsak ka sa halip ay ipagdasal mo na makapasa ka" Nakairap kong sermon sa kaniya.
Kahit ang totoo ay maging ako ay pinaghihinaan din loob,
Napanguso nalang siya at pinapak ang chips na inagaw niya sa akin.
"Nasasabi mo lang 'yan dahil may magaling kang tutor" Tukoy niya kay nixon na siyang matiyagang tumutulong sa akin noong mga panahong nag re-review ako.
"Ang mabuti pa kumain na muna tayo para mahimasmasan ka man lang muna. daig mo pa ang na rape ng ilang kalalakihan sa hitsura mo ngayon" Naiiling kong Pag-anyaya sa kaniya.
Mas humaba naman ang kaniyang nguso pagkatapos Kong sabihin iyon.
"Pero wala na akong pera grace! pamasahe nalang ang natira sa akin"
"Bakit? Sinabi ko ba na pagbabayarin kita?" Nakaismid kong sabi.
Bigla namang umaliwalas ang kaniyang mukha at halos mapunit na ang kaniyang mga labi sa lawak ng pagkakangiti niya.
"Yan ang gusto ko sa'yo grace anne! Kaya love na love kita eh!" Maligaya niyang sabi.
Naiiling nalang ako sa narinig. Basta talaga pagkain hindi inuurungan ng isang ito pero pag materyal na bagay naman ang ibibigay ko ay halos sakalin na niya ako sa subrang pagkairita niya sa akin.
"Nambola ka pa! Tara na nga!" Kaagad naman siyang umabresete sa aking braso.
"Masaya na naman ang mga alaga ko sa tiyan nito, siguradong busog na naman sila." Maligaya niyang sabi sabay himas niya sa kaniyang tiyan.
"Himala wala kang driver ngayon?" Gulat niyang sabi nang mapansin niyang wala kaming naabutan na naka antabay sa sasakyan na binili ni dandrix para sa akin.
"Hindi ko na pinasama kaya ko naman na magmaneho" Tugon ko sa kaniya matapos kong buksan ang pintuan sa may driver side habang siya naman sa may passenger side.
"Buti ayos lang kay nixon na wala kang driver ngayon? Grabi pa naman kahigpit 'yon pagdating sa'yo na kahit sa lamok ay halos ayaw ka nang padapuan" Nakangiwi niyang pagpapatuloy 'nong makapasok na kami sa sasakyan.
Pang apat na araw nang wala si nixon. May out of town business meeting siyang dinaluhan pero nagpaalam naman ako na hindi magdadala ng driver ngayon. Pumayag naman siya 'yon nga lang ang daming habilin! Naalala ko pa noong sinabi niya mag ha-hire siya ng bodyguard para sa akin na matindi naming pinagtalunan pero sa huli ako pa rin ang nasunod. Ang dahilan niya noon ay marami daw galit sa kaniya dahil sa negosyo kaya baka ako daw ang mapagbuntunan pero hindi ko kaya ang ganoon! Hindi ko kayang kumilos ng normal kung alam kong laging may nakabuntot sa akin at isa pa masyadong agaw pansin iyon!
BINABASA MO ANG
TO LOVE YOU IS LIKE A POISON
SonstigesSLAVE SERIES #3: Grace Anne is a simple college student, Siya din ay tinaguriang No Boyfriend Since Birth pero nagbago ang lahat ng iyon when she met a rude and cold man who also became her husband. They had a happy marriage until one night everythi...