Chapter 1

839 12 0
                                    


Nagising ako dahil sa malalakas na katok mula sa labas ng aking kuwarto. As far as I can remember, it's holiday so I know that we don't have a class for today.

"Felicity, lumabas ka riyan!" Rinig ko ang malakas na sigaw ni Mama mula sa labas ng kuwarto. Kahit bahagya pa akong inaantok ay agad na akong bumaba ng kama para pagbuksan siya ng pintuan.

"Good morning, Ma—"

"Mag-ayos ka na dahil pupunta rito mamaya ang mga Dela Peña. We need to look more presentable in front of them." Walang emosyon nitong sinabi at agad din na pumihit palikod para makababa ng hagdan.

Kahit inaantok pa ay wala na akong nagawa. I binged-watch a movie last night because I knew that today would be a holiday. Minsan nalang kasi akong makapagpuyat para sa mga movies dahil kadalasan ay sa mga proyekto pa ako napupuyat.

Dela Peña family is one of the most sought-after because they're one of a hella powerful family in the field of business. Nararamdaman ko nga rin na tila ba may pagtingin sa akin ang ikalawang anak ni Labrador Dela Peña na si Mauricio.

Hindi naman sa ayaw ko sa kan'ya bilang tao pero ayaw ko lang sa pag-uugali niya na para bang kapag tumingin siya e dapat ay maakit agad ako. I don't like his type. He's super assuming. Para namang dinilaan ng dinosaur ang buhok niya sa sobrang taas.

Mabilis akong naligo at nag-ayos dahil alam kong magagalit na naman si Mama kapag nagbagal pa ako ng kilos. When I finished fixing myself, I went downstairs to finally eat my breakfast.

Halos hindi ko naman tignan ang direksyon ni Via dahil ramdam ko na kaagad ang diretso niyang tingin sa akin pagkababa ko pa lamang ng hagdan. It was as if she's going to devour me whole and send me to hell just so she couldn't see me again.

If she only knew that I don't like seeing her too. Hindi ko naman kinamumuhian ang kapatid ko pero nakakainis kasi ang pag-uugali nito. Spoiled brat na nga tapos masama pa ang ugali. Akala mo ay hindi pinalaki ng tama ng mga magulang.

Kahit kasi sabihin na halos dito na ako lumaki sa puder ni Mama at ng kan'yang bagong asawa, I never forget what Tatay Berting has told me before. Bata pa ako noon at hindi pa namumulat sa malupit na mundo pero lagi kong itinatatak sa isipan ko ang mga pangaral niya sa'kin.

"Anak, anuman ang maging kalagayan mo roon sa Maynila lagi mo lang tatagan ang loob mo, ha? Palagi mong tatandaan na nandito si Tatay at ipinagmamalaki ka." He said with a smile plastered on his face. Tatay Berting is one of the best people that i've ever known. He's always selfless.

Alam kong mahal niya si Mama pero hinayaan niya lang ang huli at hindi na ipinilit pa ang nararamdaman niya para sa aking ina. My mother doesn't like him even just a bit because she thought that my father is a trash. Masakit para sa akin iyon pero ano naman ang magagawa ko? They have their own lives now. I'm just a child of in between.

Tahimik akong kumain sa hapag at patuloy lang naman sa pagse-serve sa akin ang isa sa aming mga katulong. Halos mabingi ako sa sobrang katahimikan ngayong magkakasabay kaming kumain sa umaga. The only sounds that I could hear is the clasping of untensils together and our breath.

"How's your school, Via? Last week pa nagsimula ang first day niyo 'di ba?" ani ng aking stepfather na si Leonardo Cuevas. I never used his surname. Mananatili akong Valencia dahil iyon ang apelyido ni Tatay.

I noticed how Via smiled politely to her father. Lagi itong ganito na tila ba isang maamong pusa na walang ginagawang masamang bagay. She's always been scared of Leonardo. Bayolente kasi kung magalit ang kanilang ama.

Tell Me How (Isla De Verde Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon