Mabilis na natapos ang shift ko sa pagtatrabaho. Halos liparin ko ang changing room para makapagpalit ako ng damit at nang makaalis na. It's already five-thirty in the evening. Halos lubog na ang araw at dumidilim narin ang paligid.
"Brie, mauuna na 'ko." I said after changing my clothes. Knowing Brielle, mahilig itong mag-over time kahit tapos na ang shift namin. Pandagdag lang daw sa gastusin nila sa bahay dahil siya ang breadwinner ng kanilang pamilya.
She nodded her head while fixing the table. Katatapos lamang ng customer na nag-ukopa ng pwestong iyon kaya nililinisan niya na nang makaalis.
"Sige, Grayce. Ingat ka!" She smiled. Ngumiti rin ako pabalik at halos lakad-takbo ang ginawa ko para lang makaalis na sa restaurant.
My heart won't stop beating so fast. Parang lalabas ng dibdib ko ang aking puso sa sobrang bilis at lakas ng bawat tibok niyon. Nandito pa kaya siya? O, baka umalis na?
After our fight earlier, I left him there and continued my work. Hindi porke't nandito na siyang muli at guguluhin na ang tahimik kong buhay ay pababayaan ko na ang mga prioridad ko. He's out of the choices now. Matagal na kaming natapos kaya bakit nandito na naman siya?
Besides, what's his right to question why the hell am I working in here? Oo, nakakapagtaka nga iyon dahil ang alam niya ay mayaman naman ang pamilya ko but I'm hiding! Natatakot akong baka malaman niya rin na may anak kami. Na nagbunga ang gabing iyon.
He also gave me mixed signals. What does he expect me to feel? Na matuwa ako at bukas ang mga brasong tanggapin siyang muli sa buhay ko pagkatapos ng lahat ng sakit na natamo ko? He doesn't know what happened to me in the past few years. He doesn't know the pain I've been through.
Kahit kailan ay hindi niya maiintindihan ang sakit na naranasan ko. Habang siya, dedma lang. He doesn't even love me at all. Siguro mahal niya ako pero bilang kaibigan lang. Pure friendship. Ayos na rin 'yon kaysa naman paasahin niya ako na mamahalin niya rin ako gaya ng pagmamahal niya kay Dein.
He's in love with the person whom he can't stand a chance with. Ganoon din ako sa kanya. Ang tanga ko 'no? I forgot my own worth because I got blinded of my love for him. Na dapat ay hindi ako nagpupumilit na mahalin niya rin ako pabalik kasi kung gusto ka talagang mahalin ng isang tao, kusa niya iyong ibibigay.
Die single but never beg someone for love. Pride na nga lang ang natitira sa'yo, tatapakan mo pa ba?
I was walking on the sidewalk towards the line of jeepneys when a black shiny car abruptly stopped on my side. Akala ko ay nagpa-party lamang ito roon kaya nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa bumukas ang bintana niyon at bumungad sa'kin ang taong ayaw ko na sanang makita pero pilit paring nagpapakita sa'kin.
"Felicity!" He called but I didn't turned my attention to him. Mas bumilis ang bawat hakbang ko sa paglalakad at sige lang din naman siya sa pagsunod sa'kin na siyang ikinairita ko.
"Felicity Grayce!"
I rolled my eyes. "Manigas ka!" I whispered into thin air. Kung minamalas ka nga naman talaga. Akala ko talaga umalis na siya kanina, e!
Nang hindi na ako nakatagal ay huminto ako sa paglalakad at inis siyang nilingon. Huminto rin ang kotse niya sa gilid.
"Will you please stop?!" I hissed. Masama ang tingin ko sa kan'ya ngunit hindi man lamang siya natinag. Nag-igting lamang ang kanyang panga habang madilim ang mga tingin sa'kin na siyang dahilan para magsitaasan ang balahibo sa aking batok.
"Hop in," He commanded.
"At sino ka para utusan ako? Kaya kong mag-commute at umuwi ng mag-isa!" Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa paradahan ng mga jeep.
BINABASA MO ANG
Tell Me How (Isla De Verde Series #3)
RomanceCan they find their way back to each other or they will totally lose the love that once bloomed from their pasts? Fortalejo Cousins 3 of 3. This is the last series of Isla De Verde. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.