For the past few weeks, I tried avoiding Agamemnon. He tried to reach out to me but I chose to ignore him. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makalapit sa akin kahit sandali dahil pakiramdam ko ay hindi ko pa kaya.
Humupa narin ang issue tungkol sa paghahalikan naming dalawa ni Agamemnon. Hindi ko alam kung paano at bakit ganoon kabilis ngunit wala na akong pakialam. It's just making me more miserable.
I think I deserve a rest. I'm exhausted physically, mentally and emotionally. Hindi pa nakatulong na parang may kakaiba akong nararamdaman these past few days. Napapadalas ang pagkahilo ko at kanina naman pagkagising ko ay nagsusuka ako.
This is the first time that I've experienced that kind of thing. Kahit na lagi akong puyat noong first year college ako dahil sa kurso ko ay hindi pa ako kailanman nagkaganito.
Nagsasalita ang professor sa harapan pero wala akong maintindihan. My mind is wandering with so many thoughts. Ito ang ayaw ko e. I always space out and overthink of different things. Katulad na lamang ng paghihiwalay ng landas namin ni Agamemnon.
Bakit kailangang mangyari pa ang bagay na iyon sa aming dalawa? I have so many what-ifs on my mind but I can't even find an answer for such thought. Siguro sa tamang panahon kung papalarin ay mabibigyan din iyon ng kasagutan 'di ba?
I was about to stand up and ask for permission to go to the bathroom but my head suddenly starts spinning and I fell on the ground. Nagdilim nalang bigla ang paningin ko at nawalan ng malay. I even heard their screams because of my sudden blackout.
Nang magising ako ay nakahiga na ako sa isang stretcher. Mukhang nasa loob ako ng clinic dahil sa itsura ng lugar matapos kong ipalibot ang paningin ko sa kapaligiran.
Naupo ako ng maayos at sumandal sa pader. Medyo nahihilo parin ako pero hindi na gaanong malala hindi katulad kanina bago ako mawalan ng malay. Hindi kalaunan ay pumasok si Nurse Jenny at tinanong kung maayos na ba ang pakiramdam ko.
"You should rest, Felicity. Sa tingin ko ay dahil sa matinding pagod kaya ka nahimatay pero para makasiguro ay bumisita ka na lang din sa isang doktor." aniya kaya tumango ako at nagpasalamat. She excused herself before going out of the clinic.
Napatulala ako sa labas ng bintana ngunit napabalik din sa wisyo nang marinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan. Awtomatikong lumipad ang tingin ko roon at nakita ang pinakahuling taong gusto kong makita ngayon.
Malamig ko siyang tinignan. "What are you doing here?"
He looked weary. Malalim na ang itim sa ilalim ng kan'yang mga mata na halatang kulang sa tulog. I felt a flicker of worry in my heart but I immediately shoved it away. Hindi ko dapat pinapalambot ang puso ko ngayon. I have to rest.
"I... I've heard about what happened to you in your class earlier. I just want to see myself if you're doing okay," He explained, his eyes are soft while looking at me.
Tumango ako. Kahit papaano ay hindi naman ako ganoon kasama para ipagtabuyan nalang siya ng biglaan.
"Ngayong nakita mo nang maayos ako, pwede bang umalis ka na? Hindi ko gustong makita ka."
Is it just my imagination or did I really see the pain passed by in his eyes just now? Agad din naman itong naglaho kaya baka nga guni-guni ko lamang din iyon.
He was hesitant at first but still nodded his head. "Okay... I think you should rest." He said before leaving the room.
Naramdaman ko ang pamimigat ng dibdib ko habang nakatitig parin sa ngayon ay nakasarado nang pintuan. Maybe this is the right thing to do. I need to do this. Mahirap pero dapat kayanin ko. I need to be strong.
BINABASA MO ANG
Tell Me How (Isla De Verde Series #3)
RomansaCan they find their way back to each other or they will totally lose the love that once bloomed from their pasts? Fortalejo Cousins 3 of 3. This is the last series of Isla De Verde. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.