Chapter 9

314 7 2
                                    





"What flavor do you want?"

We went to the nearest convenience store. May mga lamesa at upuan naman sa labas kaya naupo na lamang ako roon at siya nalang ang bibili sa loob ng convenience store.

"Ube and Vanilla, please." I sheepishly smiled.

"Seriously?" Hindi makapaniwalang aniya. "You can eat it all?"

Umarko pataas ang kilay ko at bahagyang napalabi. Hindi man halata sa payat kong katawan pero mahilig talaga akong kumain. Food is my comfort when the world is conspiring against me.

"Of course! Hindi man halata pero matakaw ako sa pagkain 'no." I said.

"Oh, then should I add some snacks?"

"Yes, please. Kung libre mo talaga. Pero kung hindi...bumili ka pa rin, ha?" I saw how his jaw dropped. Napatawa na lamang ito at umiling-iling.

"Fine. Wait for me right here."

Pumasok na siya sa loob ng convenience store at naiwan naman akong nakaupo sa labas. I decided to play with my phone to kill the time when I felt someone's presence in front of me.

Naupo ito sa upuang nasa harapan ko dahilan para mag-angat ako ng tingin at makita ang pagmumukha ni Jethro na may maliit na ngiti sa kan'yang mapupulang mga labi.

"Fancy seeing you here, Felicity." He said, smiling widely at me.

Nginitian ko siya pabalik kahit na nakakaramdam ako ng awkwardness sa loob-loob ko. I wonder if this is really a coincidence or he just stalked me? Oh, c'mon, Felice! Ang assuming mo masyado. Baka naman napadaan lang talaga rito 'yong tao!

"Yeah, likewise." I replied.

"So, who's with you? Mag-isa ka lang ba?" Ngiting-ngiti ito na tila ba naaaliw siyang makita ako. I mentally rolled my eyes at that thought.

"Uhm—" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang malamig at seryosong boses ni Agamemnon na sumulpot nalang bigla matapos ang ilang minuto.

"She's with me. Got a problem?" Lumapit ito sa kinaroroonan namin at inilapag ang biniling mga pagkain sa lamesa.

His cold eyes gaze upon Jethro who's now looking back at him too. Para silang nagtatagisan ng tingin dahilan para bahagya akong mag-panic. Shit, what's wrong with these two?!

"I believe that's my chair you're sitting at?" Maangas na ani Agamemnon. Napalabi ako dahil sa tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa ni Jethro.

"Oh? Sa'yo pala 'to, pre? Pasensya ka na." ani Jethro at tumayo na. "By the way, nice seeing you again, Felicity. See you in school!" Ngumisi siya at naglakad na paalis at naiwan naman akong mabilis ang tibok ng puso dahil sa kaba.

Akala ko talaga magkakaroon sila ng bugbugan session! Buti nalang at hindi 'yon nangyari dahil kung hindi ay baka hindi ko na alam kung anong gagawin ko!

"Are you okay?" Tanong ko kay Agamemnon nang makitang nakatiim-bagang ito na tila ba nagpipigil lamang. He just quietly nodded his head and put aside the chair where Jethro sat earlier.

Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa niyang iyon. "What are you doing? Tatayo ka lang ba?" Tumawa ako ngunit umismid lang siya at humila ng panibagong upuan at naupo roon.

"There's still traces of poop left in there..." He said, as if having a tantrums. Napakurap-kurap ako at napatawa ng malakas.

"Ang arte nito. You're so mean to Jethro!"

He glanced on my way as if he can't believe I'm defending Jethro against him. Mas lalong lumakas ang tawa ko dahil doon. I can't believe that Agamemnon has this territorial side, huh?

Tell Me How (Isla De Verde Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon