Chapter 25

492 11 4
                                    

Nagising ako sa sunod-sunod na pagkatok mula sa pintuan. I half-open my eyes and saw that Conan was still asleep. Nahirapan pa akong patulugin ito dahil ang kulit-kulit kagabi na tila ba hindi nauubusan ng enerhiya.

Kinumutan ko muna ang anak ko bago nag-ayos ng sarili at lumabas. Tuloy-tuloy parin ang pagkatok sa labas ng pintuan kaya nagmadali na akong tinungo iyon at binuksan. Bumungad sa akin ang pawisan at nag-aalalang itsura ni Tiya Mariel.

Nangunot ang noo ko. "Tiya? Ano pong kailangan niyo?"

When I looked at our wall clock, it was just nearly seven o'clock in the morning. Nakakapagtaka at ganito ang itsura niya. Halos mukhang hindi pa nga siya natapos sa pagcu-curl ng kaniyang buhok dahil nakalaylay ang ibang piraso ng curlers na tila ba malapit nang mahulog sa kan'yang buhok.

"Narinig mo na ba ang umuugong na balita?" Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay. Nagtungo siya sa kusina at aligagang nagsalin ng tubig sa baso at tinungga agad iyon.

Sinundan ko siya sa kusina at pinanood ang halos hindi niya mapakaling paggalaw. She keeps on walking back and forth as if she doesn't know what to do anymore.

"Tiya, kumalma ka muna. Ano po ba talagang problem at bakit nagkakaganyan ka?" I pursed my lips and crossed both of my arms in front of my chest.

She looked at me while the side of her face is dripping wet because of sweat. Hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Balak nang ipagiba itong squatter area dahil tatayuan daw ng subdivision!" Mangiyak-ngiyak niyang wika. Napaawang ang bibig ko.

"P-Po?"

I can't believe it! Kapag nangyari iyon ay paano na kami ng anak ko? Halos hindi ko na nga maibigay ang mga dapat ay pangangailangan ni Conan dahil sa kahirapan ng buhay tapos mawawalan pa kami ng tirahan? Saan kami pupulutin?

"Pero, Tiya! Hindi po pwede 'yon! Paano na tayong mga nakatira rito sa Barrio Israel?!" I can't help but to raise my voice in frustration. I need to do something about this! Kung kakailanganin na magpa-petisyon o rally ako ay gagawin ko para lamang hindi maituloy ang balak nila para rito sa Barrio Israel!

She frustratingly messed her curly hair.
"Huli na para mapigilan sila, hija..." Napasigok ito at tumulo na ang kan'yang mga luha. "Narinig ko mula kay Adeth na nandito na raw ang architect na mamamahala para sa ipapatayong subdivision."

My eyes pooled in tears pero hindi iyon naging dahilan para mas lalo akong panghinaan ng loob. Hindi pwedeng ganito na lang!

"Pupuntahan ko po ang architect na sinasabi ninyo, Tiya. Kahit lumuhod ako sa harapan niya para lang h'wag ipagiba ang Barrio Israel ay gagawin ko." Determinado kong saad. Ito lang ang naiisip kong tanging paraan para manatili kami rito.

Anim na taon na akong namamalagi rito at medyo napamahal narin sa'kin itong Barrio Israel. Mabait ang mga kapitbahay namin dito at kapag may pangangailangan ang bawat isa ay hindi sila nagdadalawang-isip na tumulong kahit pa nga gipit din sila.

They're just fishermen, a vendor in the corner of the street and there are also beggars living in this squatter area of Barrio Israel but who cares? They're good people with a good heart. They meant no harm but to help as long as they could.

At isa pa, tahimik na ang pamumuhay namin ng anak ko rito. Malapit narin mag-six year old si Conan at papasok ba siya sa paaralan. I need to save more money kahit pa nga madalas ay hindi sapat ang sahod na natatanggap ko bilang isang manunulat sa istasyon. Suma-sideline parin ako paminsan-minsan dahil hindi ko naman pwedeng iwan nalang basta si Conan ng mag-isa.

Tell Me How (Isla De Verde Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon