Sa araw ding iyon ay bumyahe ako patungong Isla De Verde. Wala na akong ibang lugar na maisip na pwede kong puntahan bukod doon. I need to see my father. Dahil sa lahat ng mga nangyari sa'kin ay karapatan niya parin na malaman kung anumang nangyari sa'kin ngayon.
He has all the rights to be mad at me but I just hope he won't be. Dahil hindi ko na kayang sumangga pa ng panibagong galit at lalong-lalo pa't galing iyon sa kanya. Maybe, not now. I just wanted to rest for awhile.
Medyo nagtagal ang pagbyahe ko pero nang makarating ako sa Isla De Verde ay maliwanag na ang paligid at tumaas na ang sikat ng araw. Nag-renta lang din ako ng bangka para makapunta sa Isla De Verde at pagkatapos ng labinlimang minuto ay nakarating din ako sa destinasyon ko.
"Salamat po," Wika ko sa matandang nagdala sa akin sa Isla De Verde. I paid him and stepped out of his boat. Agad kong naramdaman sa aking paanan ang manipis at malambot na buhangin ng Isla De Verde.
I'm finally home. After everything that I've went through, hindi naman siguro masamang maging desperada akong maging masaya 'di ba? Pero siguro nga hindi talaga gano'n kadaling makamit ang mga bagay na talagang nais ng puso mo.
They say, if you're not yet happy then it's not yet the end. May katapusan pa nga ba ang mga bagay na ito? Ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Magiging masaya pa nga ba ako sa mga susunod kong pamumuhay?
I heaved a deep sigh before striding my way towards our house. Miss na miss ko narin kasi si Tatay. Ilang taon na ang nakalipas simula noong huli kong pagbisita rito at graduation ko pa sa highschool iyon.
Isla De Verde haven't changed a bit. Maganda parin ang mga tanawin at ang bawat bahagi nito. Kalmado ang dagat sa dalampasigan pero ang puso ko ay hindi. The raging waves in my heart can't be tamed because I was just so hurt and it's so hard to say that I'm fine when I'm not.
Oo, magaling akong magpanggap na ayos lang ako pero hindi ko parin maiwasang dumating sa punto na hindi ko na talaga kaya. Na hindi ko na mapagtakpan pa ang mga tunay kong nararamdaman lalo na kapag sobrang sakit na. Ang hirap-hirap.
It's so hard to remain smiling when my heart is deeply bleeding inside. Tao lang din ako. Napapagod at nahihirapan lalo pa't puro stress narin ang nararanasan ko sa bahay sa Maynila. My mother can't love me and now Agamemnon... It's so hard to hold on when all you wanted was to let go at all.
Pero ang hirap. Gusto ko nang bumitaw pero parang ayaw ko pa. Kasi gusto kong ipakita sa kanila na kakayanin ko. Hindi lang para sa sarili ko kung hindi para rin sa anak ko. I'll be a better woman and a mother. A better individual that I didn't get the chance to work on before.
Nang makarating sa harap ng bahay ay agad akong kumatok sa pintuan. Panigurado akong gising na si Tatay dahil nangingisda iyon ng ganito kaaga. Kahit pa nga hindi niya ako matulungan sa gastusan ko ay hindi siya kailan man pumalya sa pagtatrabaho at makapag-ipon para sa kinabukasan ko.
He said that he wants everything for me. He wants to give me everything na hindi ko kailan man naranasan sa kan'ya dahil nga inilayo ako ni Mama at nagtungo sa Maynila.
Hindi nagtagal ay nagbukas ang pintuan at bumungad sa akin ang aking ama na mukhang nagulat pa matapos akong masilayan sa labas ng pintuan. Umawang ang kanyang bibig dahil sa gulat at nawalan ng boses na makapagsalita.
My tears started pooling in my eyes again. Hindi na ako nakapaghintay pa at walang sali-salitang dinamba siya ng yakap. He seemed taken aback of what I've did but I didn't care less. All I need is a hug from a person who loves and truly cares for me. From my beloved father who never failed to love me even though we're miles away from each other.
BINABASA MO ANG
Tell Me How (Isla De Verde Series #3)
RomanceCan they find their way back to each other or they will totally lose the love that once bloomed from their pasts? Fortalejo Cousins 3 of 3. This is the last series of Isla De Verde. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.