Chapter 11

295 9 2
                                    

Nakatayo ako sa gitna ng quadrangle habang pinapanood sa court ang mga estudyanteng nagsasayawan. They left all their inhibitions and dance wildly as if no one's looking.

Kasama na roon ang mga kaklase ko. The prominent colors of pink, blue and neon lights are blinding my eyes. Para tuloy akong nasa isang high-end bar dahil lahat sila ay nagpa-party.

"Pwede ba kitang maisayaw?"

Halos mapakislot ako sa sobrang gulat nang may lumitaw na isang lalaki sa aking harapan. It's not Jethro. Iba pa ang lalaking ito at hindi siya pamilyar sa akin kaya baka hindi siya Grade 10 gaya ko.

I was hesitant a bit at first but when I realized that tonight will be the last time, I nodded my head and agreed to dance with him.

Tonight is our JS Prom. Nakatayo lang ako sa quadrangle dahil hindi ko kayang makipag-sabayan sa dagat ng mga tao sa gitna ng court. They're so happy while wildly dancing. Kasama na roon si Dein.

Ang babaeng 'yon talaga. Hindi raw walwalera pero tambay sa island counter nila. Napailing-iling na lamang ako sa isiping iyon.

The remix beat of the music switched into a mellow rhythm of song. Natigil ang sayawan nila at naghanap na ng mga kaparehas at bigla-bigla nalang manghihila para may maisayaw.

I put my hands on the boy's shoulder and he put his hands around my waist. Sumayaw kami sa malumanay na awit ng musika. He's smiling at me kaya hindi ko mapigilang mailang.

"What's your name?" I managed to ask.

"I'm Vaxiuos. You are Felicity, right?" He said. I was surprised that he knew my name so I nodded.

"Hindi naman siguro ako tanyag para makilala mo 'no?" Pabiro kong saad dahilan para matawa ang huli. I noticed that he's a chinito, too. Just like Agamemnon but Vaxiuos eyes are much smaller when he's smiling and laughing.

"Actually, you're kinda famous ever since you joined Intramurals. You won, right? Congratulations nga pala." He said, smiling.

"Naku, matagal na 'yon pero salamat, ah?"

"It's nothing. You're welcome..." He huskily said.

I don't know how long we dance together in the middle of the court but after that, I thanked him before he left. Thanks to him, I get to experience dancing with someone. He's actually my first dance.

Nang mapagod ako ay naglakad na ako pabalik sa classroom. Hindi ko na mahanap si Dein dahil baka mamaya ay nasa sayawan na naman ang baliw na 'yon.

When I got back inside our classroom, iilan lamang ang mga estudyanteng naroroon at kumakain. I feel like my mouth immediately watered at the sight of foods. Damn.

Dahil may nag-aya naman sa'kin na sumayaw ay ayos narin. It doesn't matter if someone asked me or not anyways. At least, I get to experience what it feels like to be in a party. In a JS Prom.

Kumuha ako ng paper plate sa lamesa at nagsimula nang lantakan ang mga pagkaing nakahain doon. Goodness, food is heaven!

Halos matapon ang hawak kong pagkain nang may humawak sa balikat ko at nakita ko ang hingal na hingal na si Dein. She's even sweating bullets.

"Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap. Pagkain na naman ipinunta mo rito 'no?" Pang-aakusa niya dahilan para mapatawa ako.

"Of course not!" Giit ko ngunit ayaw niya talagang maniwala. "By the way, how does it feel to get wild, huh?"

"Superb!" She gave me a thumbs up. Napailing-iling na lamang ako at nang matapos kumuha ng pagkain ay naghanap na ng upuan.

I started eating and I was more shocked when Dein has a fork with her and she was about to get one of Shanghai from my plate but I possessively put it away from her.

Tell Me How (Isla De Verde Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon