Playlist: Your Love by Alamid.
Agamemnon stayed in our house that night. Malakas parin kasi ang ulan at delikado naman sa daan kung babyahe pa siya pauwi. Naaawa parin naman ako sa kan'ya kung hahayaan kong sa kota nalang siya matulog.
Halos hindi na hiwalayan ni Conan ang huli kaya sa sofa narin natulog si Conan kasama ni Agamemnon at ako naman ay nasa kwarto.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko sa sobrang pag-iyak kagabi. The two of them are still asleep. Parang may humaplos sa puso ko habang pinagmamasdan ang dalawang natutulog.
Nasa dibdib ni Agamemnon si Conan at padapang natutulog habang yakap niya ito. Parehas na gwapo kahit tulog. They looked so peacefully sleeping.
Nagulat na lamang ako nang may luha na namang tumulo mula sa mga mata ko kaya agad ko iyong pinalis at nag-umpisa na sa gawaing-bahay. This is my usual routine in life ever since then.
Tumila na rin ang ulan at tirik na tirik na ang araw sa labas. It's just seven-thirty in the morning. Mamayang alas doses pa ang pasok ko sa restaurant at sa gabi naman ay magtutungo ako sa istasyon dahil may tatrabahuhin na naman akong article ayon kay Ma'am Yvette.
Matapos magsaing ay nagluto narin ako ng ulam. Nagprito lang ako ng tatlong pirasong itlog at ng strips of bacon. Matapos niyon ay inilapag ko na ang mga iyon sa lamesa at nagtungo sa tukador kung saan nakalagay ang container ng abo ni Canon.
I bend down my knees and made a prayer for my son. Napakarami kong gustong sabihin sa anak ko at lahat ng iyon ay sinabi ko. Wala akong kahit isang tinira. Matapos magbigay ng panalangin ay tatayo na sana ako ngunit agad din akong napaupo dahil sa sobrang gulat ng makita si Agamemnon sa likuran ko.
He has no expression on his face while looking down at me. Sumigid ang kirot sa puso ko pero hindi ko 'yon pinansin. I looked away and tried to compose myself.
"Uh...luto na ang almusal. Kumain ka na," I said and stand on the ground. Magtutungo na sana ako sa cabinet na nakalagay sa gilid para makapagsimula nang magwalis nang marinig ko siyang nagsalita.
"He was cremated?" He whispered but enough for me to hear. Kahit nakatalikod mula sa'kin ay tumango parin ako na para bang magkaharap lang kami.
"Oo, pina-cremate ko si Canon..." I swallowed the lump in my throat.
He nodded his head. "Okay."
Okay? As in, okay lang? Wala ka na bang idudugtong doon? Gusto ko pa sanang sabihin iyon ngunit pinigilan ko na ang aking sarili. Nang sulyapan ko ang sofa ay nakahiga roon si Conan at mahimbing na natutulog. He really enjoyed being with his father.
Iniwan ko na muna si Agamemnon doon dahil mukhang kakausapin niya pa ang abo ni Canon. Lumabas muna ako ng bahay at nagdilig nalang ng mga halaman.
"Magandang umaga, Grayce!" Bati ni Kiel habang nagdidilig ako ng mga halaman. Malaki ang ngiti nito at kasama niya ang kan'yang mestizang girlfriend.
Tumango ako. "Good morning, Kiel. Saan ang lakad niyong dalawa ni Celeste?"
Ngumisi siya at napakamot pa ng bahagya sa kanyang batok.
"Ah! Itatali ko na 'to sa'kin para hindi na makawala— aray!" aniya nang batukan siya ni Celeste. Natawa na lamang ako nang magsimula na sila sa pag-aasaran na para bang aso't pusa.
Nagpaalam narin sila sa'kin hindi katagalan kaya tumango nalang ako at hinayaan sila. I was about to get another bucket of water when I felt someone's presence behind me. Napapikit ako ng mariin at malakas na kumabog ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Tell Me How (Isla De Verde Series #3)
RomanceCan they find their way back to each other or they will totally lose the love that once bloomed from their pasts? Fortalejo Cousins 3 of 3. This is the last series of Isla De Verde. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.