Chapter 37

432 9 0
                                    

Playlist: Hold On by Chord Overstreet.

I felt happy when we go back home. Nasabi ko narin ang balita kay Conan at talagang tuwang-tuwa ang anak ko. He won't even sleep like I do making me chuckled.

"C'mon, baby, you need to sleep na. I'll just wake you up when Papa's already here, okay?" I caressed his hair while he's laying on the bed. Kinumutan ko narin siya at hinalikan sa noo.

"Promise po?"

I nodded. "Yes, baby. Now, go to sleep."

He closed his eyes to sleep but opened his mouth to speak.

"Mama, love you..."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko dahil sa narinig. Conan has always been an open book to me. Kahit anong nararamdaman niya ay sinasabi niya sa'kin and I love that side of him.

Ayokong lumaki siyang kinikimkim ang mga nararamdaman niya. What if he got fed up someday? There's no one to blame but myself if that happens.

"I love you, too, Conan..." I whispered and kissed him on his forehead again. I sang a lullaby that I used to sang when he was still a baby. Mabilis kasi siyang nakakatulog sa kantang 'yon kaya nakasanayan ko naring kantahin kapag papatulugin na siya.

Wala pang ilang minuto ay mabibigat na ang paghinga niya senyales na mahimbing na ang tulog niya. I slowly get up from the bed and went outside his room.

It's already 10:00 o'clock in the evening when I glance at the clock hang on the wall. Nasaan na kaya si Agamemnon?

Kaninang umaga pa ang huling mensahe na natanggap ko mula sa kan'ya at alas dyes na ng gabi pero wala parin siya. Gano'n ba talaga katagal ang byahe? O baka naman may dinaanan lang siya at on the way narin siya rito sa bahay?

"Argh, stop overthinking, Felicity!" Pasalampak akong naupo sa couch at naiinis na ginulo ang aking buhok. I really hate it when I'm overthinking things. Puro kasi negatibo ang nagiging resulta at ayaw kong mangyari 'yon!

I've decided to wait for him and manage to think positively. Sometimes, the cause of unhappiness is because we spent most of our times inside our heads than to our reality. Ayokong mag-isip ng masama.

Muli akong tumingin sa wall clock at mag-a-alas-onse na ng gabi. Bakit wala parin ang lalaking 'yon?

I reached for my phone and dialled his phone number. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi habang naghihintay.

The number you have dialled is out of coverage area. Please try again later.

"Damn it!" Inis kong sambit at muling tinawagan ang numero niya pero ganoon parin ang sinasabi ng service. I scrolled down through my contacts and called Yana.

Ilang ring pa ang inabot niyon bago niya tuluyang sinagot ang aking tawag. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at para akong papanawan ng ulirat. Bigla akong kinutuban ng masama. Should I believe my gut feeling or just disregard it?

"F-Feli?" Paos na boses niya ang bumungad sa'kin. Mukhang nagising ko pa nga yata siya. I feel guilty about it but I have no time for that. Nag-aalala na talaga ako! Kanina pa dapat nakauwi si Agamemnon pero wala parin.

Humigpit ang hawak ko sa telepono.
"Y-Yana? Kasama mo ba si A-Adonis ngayon?"

Narinig ko ang bahagya niyang paglundag sa kama.

"Oo pero kanina pa 'yon. Nagpaalam siya sa'kin na may pupuntahan kasi urgent daw. May problema ba?" I could sense the worry in her voice.

"N-Nothing. Itatanong ko lang sana kung nagkausap ba sila ni Agamemnon...p-pero mukhang hindi." My eyes watered. Bakit ba ang sama ng kutob ko? Kanina maayos pa naman ang pakiramdam ko pero nagsimula akong mag-alala para kay Agamemnon. He should be home by now! I know it!

Tell Me How (Isla De Verde Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon