"Mama!"
Napatigil ako sa paghahalo ng niluluto kong ulam para sa aming tanghalian nang marinig ko ang boses ni Conan. Agad itong yumakap sa aking mga binti at naglalambing na ngumiti sa akin nang dungawin ko siya.
"What did you do again this time, Conan?" Nagpameywang ako ngunit ngumuso lamang sa'kin ang magaling kong anak.
It's been six years since I left Antipolo. Hindi na ako muling nakapag-aral pero ang gusto ko sana ay mag-aral parin kapag nakaluwang-luwang ako. I still want to continue my studies but this time, I want to pursue my dreams.
Hindi ko nagawang abutin ang mga pangarap ko noon dahil nabulag ako sa pagmamahal ko sa isang taong suntok naman sa buwan kung mamahalin din ba ako pabalik.
It doesn't matter to me if he'll love me back. Ang gusto ko lang ay maiparamdam sa kan'yang mahal ko nga siya pero masakit parin pala na marinig mula sa mga bibig niya na pinagsisisihan niyang may nangyari sa pagitan namin noong gabing iyon.
I was snapped back into reality when Conan pinched my skin. Napangiwi ako at pinatay na ang gas stove dahil luto naman na ang kanina ko pang hinahalo na ulam.
Agad akong yumuko at binuhat ang makulit kong anak na lalaki. Ang gwapo-gwapo ng anak ko. Sana man lang ay h'wag siyang gagawa ng kahit anong kagaguhan kapag lumaki na siya. Gusto kong respetuhin niya ang mga babae at h'wag silang paiiyakin.
"Conan? Hmm?"
My son is already a five-year old kid. Tila ba napakabilis lamang ng panahon simula ng maisilang ko siya six years ago. Mataba parin ang pisngi ng anak ko dahil sagana sa pagkain. Spoiled kasi ito ni Tiya Mariel at Kiel kaya ganito nalang kataba ang inabot niya.
Napalabi siya at niyakap ang aking leeg. His reddish pouty lips kissed my cheeks. Napangiti ako. Malambing talaga si Conan pagdating sa'kin. Gano'n din naman siya sa ibang tao pero mas extra nga lang sa'kin.
"I'm sorry, Mama..." He said, resting his head on my shoulder. Hinaplos ko ang kanyang malambot na buhok. "Nitusok ko po sa pwet si Toto kaya umiyak..." Nakangusong anito.
Nanlaki ang mga mata ko at mahinang pinitik ang siopao na pisngi ni Conan. Agad namang kumislap sa luha ang kan'yang mga mata na para bang iiyak na.
"Baby, bakit mo naman ginawa 'yon sa anak ni Ate Adeth?!" Hindi makapaniwalang bulalas ko. Alam kong hyper itong si Conan kapag nakakain ng tsokolate pero hindi ko naisip na manunundot siya ng pang-upo ng ibang bata!
"M-Mama... we're just playing po kasi!" Umatungal na ito ng iyak. Natataranta ko naman siyang niyakap at paulit-ulit na hinalikan sa noo.
"Anak, Mama is not mad at you, okay?" I softly said. "Pero kasi bad ang ginawa mo kay Toto. Don't do that again, okay?" Pinalis ko ang buhok na tumabon sa kan'yang noo.
He pouted his lips and wiped away his tears. Tumango-tango naman ito kalaunan at muli akong niyakap. Isinubsob niya rin ang ulo niya sa aking leeg.
"Y-Yes, Mama..." He said in audible whisper.
Hindi katagalan ay ibinaba ko narin siya dahil kakain na kami. It's almost twelve in the noon. Ayaw na ayaw ko talaga kapag nalilipasan ng gutom itong si Conan dahil mabilis sumakit ang tiyan. Kailangan on-time talaga.
"We're going to visit Lolo later, okay?" ani ko habang sinusubuan siya.
Agad namang nangintab sa tuwi ang kan'yang naggagandahang mga mata. Hindi ko maiwasang mamangha at matigilan dahil naaalala ko sa kanya ang nakaraan ko kasama ang kan'yang ama.
BINABASA MO ANG
Tell Me How (Isla De Verde Series #3)
RomantizmCan they find their way back to each other or they will totally lose the love that once bloomed from their pasts? Fortalejo Cousins 3 of 3. This is the last series of Isla De Verde. Photo is not mine. Credits goes to the rightful owner.